entry #10

434 15 2
                                    

Napalunok ako, nakatingin sya sa akin. Bahagya pang kumunot ang noo nya.

"Saan ka pupunta?"
gosh, bakit ang lamig-lamig ng boses nya? Ang sarap mag ice skating.

"T-titignan ko lang sana k-kung nasan ang librarian. K-kanina pa kasi sya wala."
lumunok lunok pa ako, ngayon ko lang sya nakausap sa tanang buhay ko! Putangna. Ang saya. Kaya lang kinakabahan talaga ako, buset.

Napatango sya, "nakasalubong ko sya kanina. Mukhang may inaayos." yan ang sinabi nya sabay pasok na. Dinaanan nya ako at naamoy ko ang pabango nya. Shet, ang bango. :/

Hindi na ako nagsalita at tahimik na bumalik sa mesa ko. Pero ang ikinagulat ko ay nang makita ko syang nakatitig sa sobre na nasa bag ko.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at sinara ang bag ko. Napatingin sya sa akin at nakita kong blanko ang mukha nya pero nasa mata nya ang pagtataka.

shit, shit, shit. baka nakita nya ang papel na madalas kong ginagamit pag sinusulatan ko sya.

Baka nalaman na nya?

name // seulreneWhere stories live. Discover now