entry #25

599 29 3
                                    

"H-ha?"

"Isn't it obvious?"
she asked,
"I like you."

Nanlaki ang mata ko, literal na napanganga pa ako. What?!
"P-pero nakita kita dati...tinatapon mo mga sulat ko."

Kumunot ang noo nya,
"Never kong tinapon ang mga sulat mo. Baka mamaya, yung sinasabi mo ay yung mga sulat ni Bogum. Pareho kasi kayo ng sobre."
paliwanag naman nya.

Speaking of Bogum...
"Akala ko, kayo na ni Bogum?"

Napatawa sya ng mahina,
"Hindi ah. Kaya lang naman ako sweet sa kanya minsan ay pag alam kong nakatingin ka sa amin. Gusto kitang pagselosin, baka sakaling aminin mo ng gusto mo ako."

Napanganga ako. So... Hindi sila ni Bogum?

"M-may pagasa pa ako?"
masayang tanong ko, like fuck, ang saya!

Napangiti sya sa tanong ko,
"Matagal ka ng may pag-asa sa akin. Hinihintay lang naman kita na tanungin ako eh."

Napangiti naman ako sa kanya, hindi ko maitago ang saya ko. Hindi ko akalain na gusto nya din ako, futungunu.

"J-j, p-pwedeng pahug?"
nahihiyang tanong ko kaya naman napatawa sya at hinila ako para mayakap nya.

ang lakas ng tibok ng puso ko habang yakap-yakap ko sya.

"Seulgi,"
tawag nya sa akin habang magkayakap kami. Wala na nga kaming pake kung pagtinginan kami ng mga tao.

"Hmm?"
bulong ko naman.

"I'm Bae Joohyun."

+++

sorry kung bitin huhu, and yes, this is the end. thank you sa mga nagtyagang basahin to, mwaps.

name // seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon