entry #17

429 19 8
                                    

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako ng mapansin kong gabi na pala. Hala! Hindi na ako nakaattend sa mga klase ko.

Napatingin ako sa katabi ko, nakita kong nakasandal sa balikat ko si J kaya naman nanlalaki ang mga mata ko.

What the—

Oo nga pala! Kasama ko nga pala sya kanina habang umiiyak ako. Walang imik lang sya habang inaalo ako kanina.

hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Parang kailan lang, sinaktan nya ako dahil nakita kong tinapon nya ang mga sulat ko. Tapos ngayon, eto sya, nandito sa tabi ko. Nafafall na naman ako.

hindi ko talaga inaasahan na makakasama ko sya ngayong araw na to.

Kotang kota pa ako dahil sa mga yakap nya kanina.

Buti nalang nandyan sya para pagaangin ang loob ko.

kahit wala syang imik kanina, alam kong sincere sya sa bawat haplos nya.

Napapagaan nya ang loob ko sa simpleng ganun lang. Sa simpleng yakap lang.

"J-j."
kinalabit ko sya. Habang ginigising ko sya, hindi ko maiwasang mapatitig sa maganda at maamo nyang mukha.

ang ganda talaga.

At mas lalo syang gumaganda pag nakangiti sya, pag hindi sya nakabusangot.

"Hmm,"
umungol sya ng kaunti at umayos na ng upo. Naghikab pa sya at nag-unat saka nya dinilat ang mata nya.

"Anong oras na?"
mahinang sabi nya, agad ko namang kinuha ang cellphone ko at tinignan ang oras.

shit, 8 pm na pala!

"8:04 pm na,"
sabi ko at tumango naman sya. Lumunok pa ako bago magsalita ulit, nahihiya ako. "S-salamat nga pala kanina, inalo mo ako."

Tumango naman sya,
"It's fine, sorry na din sa ginawa ni Soojung. She's a bitch sometimes."
sabi naman nya at tumayo na. Pinagpagan nya ang damit nya. Bakit pati pagpagpag nya ng damit, ang sexy tignan?

jusko, sinasaniban ka na naman ng kamanyakan mo, Seulgi.

"O-ok lang,"
ngumiti ako ng kaunti.

Nagulat ako ng ngumiti sya.

oh fuck, gusto na ata nya akong mamatay.

name // seulreneWhere stories live. Discover now