Chapter 12

208 13 0
                                    

Jas POV,

Bakit ba ganon yung lalaking yon?! Naging abnormal na masyado! Nakakainis!

"Oh my duter nanjan ka na pala!" Bungad ni mama ng makapasok sa loob ng bahay kasunod nya si Kevin.

"Diba obvious mama?" Nakasimangot kong sagot dito. Hmp hanggang ngayon ay nababanas parin ako sa lalaking yun! Humanda talaga sya saken bukas!! Lintik lang ang walang ganti! Tsk

"Akala ko kasi kasama mo yung nobyo mo! Ahihihi. Alam mo na my duter. Date date ganon." Lumapit sakin si mama at sinundot sundot ako nito sa tagiliran.

"Mama naman eh! Hindi ko yun nobyo! May saltik nga yong lalaki na yun eh! "

"Okey lang yun my duter! Para lahat na tayo may saltik! Oh diba? Happy family! Ahihihi." Mygad. Dinamay pako!

Hindi ko na sya sinagot at nagpaalam nako na aakyat na sa kwarto ko. Hay! Masisira ulo ko kay mama eh.

Humiga na ko agad sa kama ng makapasok ako sa kwarto ko. Ilang minuto lang ang lumipas at nakaramdam nako ng antok.

zzZzzzZ

***

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bukas na bintana dito sa kwarto ko. Agad akong napatayo nang mapagtanto kong umaga na pla! Shit!

Late na ko!!!!!!

Mabilis kong ginawa yung daily routine ko sa pag pasok. Shit! May quiz pa kame!! Arrrrgh! Di nga pala ko nakapag review! The hell?!

Nang matapos akong mag ayos ay tumakbo nako palabas ng kwarto. Nakita ko naman si mama at kevin sa may sala na busy sa kakalaro ng XBOX.

"Ma! Bat hindi mo naman ako ginising?!" Tanong dito habang nagsusuot ako ng sapatos.

"May pasok kaba my duter?" Tanong din neto nang hindi inaalis ang paningin sa screen.

"Ay! Pakshet! Natalo ako!" Inis na sabi ni mama. Hay!

"Oo ma. May saturday class ako eh. Bye na muna!" Umalis nako at pumasok na.

Nang malapit nako sa room ko ay kakalabas lang ng first prof namen. Ayt.
Kaya naman nagtago muna ko sa gilid para hindi ako makita nito. Nang malagpasan na nya ko ay saka ako tumungo sa room.

"Oh my. Akala ko hindi ka papasok beks!" Bungad sakin ni Jessica ng makaupo ako.

"Tinanghali ako ng gising. Hindi pala alam ni mama na may saturday class ako kaya hindi nya rin ako ginising." Sagot ko dito.

"Kaloka. Uso kasi ang alarm beks."

"Nasan nga pala yung dalawa?" Tanong ko ng hindi ko mapansin sila Althea at Shion.

"Faculty." Tanging sagot nya at pumunta ng upuan nya dahil dumating na rin si Miss. Eto na! Quiz tsk.

"Get one sheet of paper." Bungad nito at nagsikuhanan naman kami ng papel. Ano isasagot ko dito aber? The hell.

"Before we start. I aarrange ko muna kayo ng seat nyo. Para iwas kopyahan na rin." Marami naman ang nagbulungan dahil sa sinabi ni Miss. Wala rin naman akong makokopyahan kahit hindi mag arrange. Hmp!

Nang maiayos yung upuan namin ay napunta ko sa second to the last na row. Ang nakakainis pa dito ay nasa likod ko ao Bryan na abnormal! Hmp!

Ipinasa na ni ma'am ang quiz na sasagutan namin. Nang makita ko ang mga tanong dito ay napabuga ako ng hininga. Wala ata akong masasagot dito jusko! Papa god. Help me po!

Habang tahimik na nagsasagot ang lahat, ako naman ay nakatunganga lang sa upuan ko at nagmumuni muni. Nag babaka sakali na biglang may pumasok sa utak ko.

"Ang boba naman neto." Rinig kong sabi ng nasa likod ko. Alam kong ako yung sinabihan nito dahil itinapat nya ang bibig nya sa likod ng tenga ko. Hindi ko nalang sya pinansin dahil wala ako sa mood makipag asaran sakanya. Namomoblema pa nga ako sa quiz na to! Tsk

"Tsk. Ang dali na nga ng quiz eh. Basic para sa katulad kong gwapo." Sabi ulit ni Bryan. kahit kaylan ang kapal talaga ng mukha.

Mas nag focus ako sa pagsagot. Mabuti naman ay nakapag sagot ako kahit papano. Out of 50 ay may nasagot akong 20. Hay! Kung hindi ko papala binasa ang ibang tanong ay zero ang makukuha ko. Nasa bandang dulo kasi yung tanong na nasagutan ko.

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko para ipasa ang mga papel nila. Nagkagulo tuloy ang lahat at umingay. Tatayo na sana ako pero nakaramdam ako na para bang malagkit na bagay sa loob ko. Ayt!Anong date naba ngayon? Jeez!

Bago ako tumayo ay kumuha ako nang napkin sa bag ko at iniipit ito sa libro ko. Magpapaalam nalang ako kay Miss na baka pede magpalit. Ilalagay ko narin tong libro sa locker.

Nagpasa nako ng papel. "A-ahm Miss, pede po bang lumabas na? Magpapalit lang po ako." Pagpapaalam ko. Agad naman itong tumango sakin. Lalabas na sana ako kaso na alala ko yung libro. Kaya naman bumalik ako sa upuan ko para kunin ito, pero hawak hawak ni Bryan.

"Akina yan." Sabi ko at kukuhanin kona sana pero iniiwas nya ang kamay nya.

"Akina sabi yan!" Pilit ko itong kinukuha pero hindi nya parin binibigay. Tumayo pa sya para hindi ko lalo ito maabot.

Napatingin ako sa pwesto ni Miss kanina pero wala na ito ngayon. Nakaalis na pala. Tsk!

"Ano ba?! Akina sabi yan!" Sinipa ko sya sa pagkalalaki nya. Agad naman nya nabitawan ang libro. Pero namutla ako ng makita nya yung napkin ko sa sahig. Mabilis nya itong kinuha kahit na namimilipit pa sya sa sakit.

"Whisper? Naks. With wings!" Tatawa tawang sabi nito at inihagis ang napkin ko sa harap ng room namin. Nagdilim naman ang paningin ko sa ginawa nya. Kaya naman agad ko syang sinuntok sa mukha!

"Fuck! Ouch!" Inda nito.

"Dapat lang sayo yan petek ka!!"

Kukunin ko na sana yung napkin na hinagis nya sa harap pero nakita ko itong nakadikit na sa pisara. Ayyyyt!!!!!!!

"You!!!! Fuck you!!!!" Sigaw ko ulit kay Bryan at badtrip na lumabas ng room!

NAKAKAINIS TALAGA YANG LALAKI NA YAN!!!! TSK!

MAY ARAW KARIN SAKIN!!!! ASSHOLE!!!!!

***

The Four Campus Prince Is A Gangster (Slow Update)Kde žijí příběhy. Začni objevovat