Chapter 13

227 12 0
                                    

Jessica POV,

Nagulat ako ng makita kong nag aaway nanaman yung dalawa. Hay!

"Ikaw naman kasi bro. Wala sa lugar yung trip mo." Litanya ni Keith kay Bryan. Hmm oo nga! Hello? Meron kaya si Jas ngayon! Buti nga sa kanya!

"Tsk. Eh hindi naman ako yung nagdikit ng whisper nya dun sa board no!" Bryan

"Kahit na, Ikaw parin nagsimula. Naramdaman mo tuloy ang bagsik ng babaeng may regla." Tumatawang saad ni Emmon.

Nagpasya na akong lumabas para hanapin si Jas. Sumunod naman sakin si Chelsea.

"Ang lakas ng amats nila. Hay!" Sabi ko rito.

"Yeah right." Pagsang ayon nito.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin sila Shion.

"Saan punta nyo?" Bungad ng mga ito.

"Hahanapin si Jas. Nag maganda nanaman! Nag walk out eh." Biro ko.

"Bakit naman?" Tanong ni Althea

"Nagkapikunan nanaman sila ng enemy nya. Eh ang lola nyo may dalaw. Kaya ayun, nasampulan ang lolo nyo! Ahaha Tara nalang hanapin natin." Natatawa kong kwento. Naglakad na agad kame sa rest room. Dun lang naman yun pupunta eh. Nang makarating kami don ay nandon nga sya.

"Beks! You okey?" Alalang tanong ni Althea.

"Yeah. Nagpapa kalma lang ako. Gago kasi yung damuho na yun!!" Halata parin sa mukha nya ang inis. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa naisip ko. Haaaaaaay jan nagsisimula ang lahat eh.

"Alam mo beks? Ikain nalang natin yan. Tara!" Aya ko sakanila. Nagugutom na rin ako no!

Emmon POV,

Natatawa parin ako sa nangyari kanina! Hay! Hanggang ngayon na papunta kami sa cafeteria ay hindi parin makapaniwala si Bryan na sinapak sya ni Jas! Hahaha.

"Nakahanap ka rin ng katapat mo bro!" Sabi ko rito at tinapik ang balikat nya. Umiling iling naman sya na parang ayaw maniwala!

"She will be pay for this! Tsk"

"Bro. Ikaw ang may kasalanan. Kaya wag kang ano jan!" Inis na sabi ni Keith. Whoaaaa~

"I know! But thats not fair! She punch me and kick my --arrrgh!!"

"Hahaha bro. Hindi kana magkakaanak! Sa lakas ba naman ng pagka sipa sayo eh. Hahaha" Inis ko sa kanya. Lalo naman nalukot ang mukha nya kaya nagpigil nalang ako ng tawa. Pfffft!

Hindi pa man kami nakakarating ng tuluyan sa cafeteria ay natanaw ko na si Jas na nakatayo sa entrance at masamang nakatingin samin--- ay kay Bryan lang pala. o.O Lagot! Mukhang may round two pa. Hay!

Jas POV,

Akalain mo nga naman? Nandito nanaman tong damuho na to?! Tsk! Nang makita ko sya papunta sa cafeteria ay inabangan ko ito. Mukha namang alam nya na sya yung inaabangan ko kaya huminto sya sa harap ko.

"Boba umalis ka sa daraanan ko." A-ang kapal talaga ng mukha nito!

"Sinong boba huh?! Sino?!" Inis na sigaw ko rito. Nakakainis lang talaga ang mukha nyaaaaa!! Mygad! Grrr!

"Tanga! Ikaw syempre! Ikaw lang naman nakaharang jan! Tsk" Mayabang to ah. Tignan lang natin. Tsk tsk agad ko syang hinawakan sa magkabilang balikat nya at itinuhod ulit ang ari nya! Mabilis naman syang napasigaw sa sakit.

"Ouch!!! Fuck!!! Aera!!!!" Sabi nito habang nakaluhod na sa sahig.

"Gago! Yabang neto! Suntukan nalang oh? Bilisan mo jan! Kapag hindi ka nakatayo in 5 minutes ibig sabihin duwag ka!! Come on!! Tayo!" Pag hahamon ko rito.

The Four Campus Prince Is A Gangster (Slow Update)Where stories live. Discover now