Chapter 16

27 0 0
                                    

Jas POV,

Pinasadahan ko ang dalawang lalaki na nakatayo sa gilid ng kama ko. Yung isa ay mababakas ang inis sa mukha at ang isa ay pag aalala ang pinapakita. Tinaasan ko ng kilay si Kevin na nagsusungit nanaman dahil nandito si Bryan.

"Hoy Kev, Labas." Utos yon at kaylangan nyang sundin. Naaasiwa ako sa mukha nya!

"Pwede ba bakekang, manahimik ka jan." Angil nya at padabog na kinuha ang upuan na nasa kwarto ko at umupo doon.

"Bakit nasa kanya yung palda mo?" Agarang tanong nito na akala mo kung sino.

"Dunno. Lumabas kana lang kasi!" Inis kong sigaw sa kanya. Parang ewan sya.

Ilang minuto ko pa sya tinignan ng masama bago ito matinag sa kinauupuan nya. Umalis syang nakabusangot ang mukha at padabog na sinarado ang pinto. Petek!

"Oh, ikaw anong ginagawa mo dito?"

Hindi ko alam kung bakit masyado akong naiirita ngayon sa kanila. Maybe, moodswing?

"Chill. I just send your uniform." Pinakita nya ang paper bag na hawak hawak nya at inilabas doon ang palda ko. Mukhang bagong laba yon dahil nakaamoy ako ng fabric ng nilabas nya ito.

"Okey. Ilagay mo nalang jan." Turo ko sa table malapit sakanya. Pagkalagay nya ng uniform ko don ay tinitigan nya pa kong maigi.

"What? Stop staring at me." Nakakailang ang titig na binigay nito. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak nya at ginagawa nya to.

"Labas na. Nagawa muna yung kaylangan mo sakin, kaya makakaalis kana."

Hindi parin sya natinag sa kinatatayuan nito. Tinignan ko sya at tinaasan ng kilay. What the hell?

"Problema mo ba?" Medyo halata na ang pagkairita sa boses ko. Nanatili syang ganon para bang hindi nya ko naririnig.

"Hoy! May kaylangan ka paba?!"

Naiinis nako kaya sinigawan ko ito. Problema ba ng kutong lupa na to? Nakakaintindi naman sya at nakakarinig. Tsk

Mayamaya lang ay unti unti syang lumalapit sa kama ko. Seryosong seryoso.


"Take care."



Yun lang yung sinabi nya pero parang nawala ako sa wisyo. Mas lalong hindi ako napakali nung halikan nya ang noo ko.


Bakit parang nilamig ako bigla?




Iba ang naging dulot ng ginawa nyang yon. Shit! Nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang pag sarado ng pinto. Lumabas na sya.



Parang lahat ng sakit sa katawan ko kanina nawala. Ewan ko pero iba kasi e. Diko maintindihan.




Kinaumagahan, nagising nalang ako sa tunog ng cellphone ko. Alas syete na pala at late nako sa school.

The Four Campus Prince Is A Gangster (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon