twenty;

316 19 20
                                    

    " Baby baby when you tell me something bad.   Whatever sort of tears you drop, I’ll wipe them for you "

 

               Alam nyo ba yung feeling na may mawalang isang bagay o tao na napaka precious para sayo? Ano pakiramdam?

  Kung alam mo kung anong pakiramdam non, ganun ang nararamdaman ko ngayon. Dahil namatay na ang pinaka tinetreasure kong alagang aso na si Shimmy Shimmy .  Alam kong weird yung pinangalan ko sa kanya, pero na kucutan parin ako.

      Si Shimmy Shimmy ang nagpapasaya sakin simula pa nung bata ako. Lagi nga namin siyang kalaro noon ni Jinyoung eh.

   Nasa school ako ngayon pero ang utak ko wala, bigla kong naalala yung mga moments namin na magkasama, at bigla kong naalala na wala na siya.

   "Miss Jung? Are you listening??!"

   "Miss Jung?!!"

Bigla nalang akong nagulat sa boses ng teacher kong bakla na si sir Tan.

   "Ye--yes sir??"

"Ano yung sinabi ko kanina?" Tanong niya na may serious face habang naka pameywang.

     "Aah. Sir... kanina....." hindi ko naman alam kasi hindi ako nakinig.

"Nagdidiscuss tayo tapos yung utak mo nasa pluto? Tumayo ka nga" utos niya.

Kaya tumayo naman ako, nakita ko yung mga tingin ng mga kaklase ko sakin. Feeling ko may gagawing masama tong si sir eh.

     Tapos bigla nalang akong nagulat nang hampasin ako sa mukha ni sir ng hawak niyang pamaypay.

   "Sa susunod, bruha ka! Makinig ka!" Sabi niya habang continuously hinahampas ako ng hawak niyang pamaypay.

Ganyan lagi yan si sir, favorite niya akong pagalitan. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil bakla siya naooffend siya sa beauty ko.

  Pero ngayon, lalaban na ako.

   "Sir, Is that how you teach a growing teenager as a teacher?" Tanong, which is nagibg dahilan ng pag irap niya sabay paypay.

   "Gago, sumasagot pa tong babaitang to ah."

           "Ofcourse, id rather raise my voice speaking for my rights, rather than throwing out lame jokes in serious discussions" sagot ko ulet tapos nakita ko yung mga bibig ng mga kaklase kong napa "o".

"So gusto mong makick out dito?"

"Alam niyo po sir? Unti unti na po akong nawawalan ng respeto sainyo. Tsaka pano niyo ko mapapa kick out dito kung nagbabayad kami ng tuition fee ng tama. At baka kayo pa nga po ang mapa alis sa pagtuturo dahil sa mga pinag gagawa niyo eh once na may isang student na magreport sainyo, kase alam ko pong hindi lang ako yung ginaganyan niyo-----

    "MS.JUNG!! GET OUT OF MY CLASS!" Nagulat ako sa biglang sigaw ni sir, hays mga tao nga naman. Hanggat merong kapangyarihan sa iba sinasagad sagad nila ang paggamit.

    "I SAID GET OUT!!"

Kaya kinuha ko agad yung gamit ko, at like what he said. Lumabas ako ng room. Na tregord ata siya lol.

      Umakyat nalang ako sa rooftop para magkaroon ng peice of mind. And currently may hangover pa ako sa mga nangyayari.

  At habang nakaupo ng tahimik naalala ko ulet kung gano kami kasaya ni Shimmy Shimmy. Kaya napaluha ako ng tuluyan, while reflecting things and remembering the past.

  

   "Iyak ka dyan, panget mo"

Rinig ko sa likod ko, alam ko namang si Jinyoung lang yon kaya hindi ko na pinansin.

  "Alam mo sa speech mo kanina pwede ka nang maging president, kaso baka magalit si Euiwoong."

  "Siguro naiiyak ka kasi baka ipa guidance ka ni ser no?"

  "Hindi daw, kase daw nakapag isip daw siya, nagsosorry siya kase mali yung nagawa niya. Kaya wag ka nang umiyak. Gusto ka nga daw niyang makausap eh"

  "Ang panget mo talaga wag kang iiyak,"

"Hindi ka nga irereport ni sir sa magulang mo"

    "Hindi naman kasi ayun yung iniiyak ko! Daldal mo!!" Sigaw ko, bwesit.

  "Drama mo, ano ba kasi yon?" Tanong niya.

  "Kase si Shimmy Shimmy..." sagot ko na medyo naiiyak ulet.

  "Ano nangyari kay Shimmy Shimmy? Tumae ba sa kama mo?"

    "Gago.... patay na siya..." mahina kong sabi.

"Ano? Kinatay siya? Hala!"

    "Patay na siya!!" Sigaw ko, napayakap nalang ako kay Jinyoung pagkasabi ko nun.

  "Ok lang yan..." ayun lang yung nasabi niya, habang tinatapik yung likod ko.

 

    "Atleast, kahit wala na si Shimmy Shimmy alam mong naka save siya sa puso mo"

❝oh little girl❞Where stories live. Discover now