twenty two;

319 16 15
                                    

"Baby, there’s no more loneliness
And we, jump across seasons"

    "Nica bilisan mo naman, malelate ka na! Ngayon yung sa muse and escort nyong ano diba? Ano ba yun? Basta! Bilisan mo! Yung kinuha kong make up artist aalis na daw kasi may me make up an pa daw siyang iba!!"

  "Loko kang bata ka! Walang mag me make up sayo dito! Hindi ko din keri color blind ako!!"

     "Nica!! Hindi oras ngayon para mag concert ka sa banyo!!"

  "Dalian mo aalis na kami sa trabaho ng papa mo!!"

Sigaw ni mama sa labas,eto na nga eh. Nagmamadali na nga po eh. Pagkatapos kong maligo nagpunas agad ako ng towel tapos sinuot ko na mga dapat kong suotin.

     Nilibot ko yung tingin ko sa kwarto tapos may nakita akong isang kulay dark blue na dress. Eto ata yung susuotin ko sa para sa Mr. And Ms. Millennial.

  Tama lang yung lenght ng dress na abot sa paa ko pero hindi sobrang haba, tapos hindi siya ganon ka garbo sa design. Simple lang pero may class siyang tignan. Nagsuklay muna ako bago ko buksan yung pinto.

   "Hay sawakas! Natapos ka din!"

"Umalis na yung mag me make up sayo! Kaya maghahanap ulit tayo ng bago, ayan kase ang bagal kumilos! Uunahin muna yubg buhok mo ayusan," sabi ni mama na mukhang stressed na stressed na kahit hindi pa pumapasok sa trabaho.

   Pinaupo ako nung mag aayos ng buhok ko sa harap ng salamin.

  "Ano gusto mong style ineng?",

"Kahit alin po, kayo nalang po bahala kung ano po babagay sakin" sabi ko.

   "Ayan! Pinapahirapan mo kaming bata ka! Wala na akong kilalang matatawagang mag memake up!------" hindi pa tapos si mamang magsalita biglang sumingit si papa.

   "---hindi ba marunong mag make up si Jinyoung?"

"Eh pa? Kapartner ko yun. Nagpeprepare din yun" singit ko.

     "Diba nung grade 6 kayo non, nung emergency nagpresinta siyang make up an ka. Maganda naman kinalabasan?" Tanong ni papa

  "Sige tatawagan ko nalang si Jinyoung"

"Ma nag aayos din yun ng sarili niya ! Wag niyo na istorbohin!!---"

        "Papunta na daw siya dito" sabi ni mama na nakangiti naman bigla.

"Ok na po yung buhok niyo mam" sabi ni ate, humarap ako sa salamin. Maayos naman, ginawa niyang malinis na low bun.

      "Ok thank you, po" pag thank you ko. Si mama na bahala sa kanya.

  "Tita, napatawag po kayo" nagulat naman ako kase biglang sumulpot sa harap namin si jinyoung na naka tuxedo. Haalllaaaaaaa~ ang pogiii niyaaa. Ano bang iniisip ko, bawal to. Mafefriend zone lang ako dito.

"Eh kase, wala na kaming mahanap na marunong mag make up.... baka naman sakaling may matulong ka" sabi ni mama na aakmang mag pupuppy eyes.

    "Ahh, ayun lang naman po pala eh. Sige po"

"Hay! Maraming salamant Jinyoung! Aalis na kami ah. Ikaw na bahala kay Nica, sabay na din kayo pumunta sa school tutal mag kapartner naman din kayo. Naghihintay dun sa baba yung service ni Nica. Sige alis na kami ah, galingan nyo!" Sabi ni mama ng tuloy tuloy, in a blink of an eye. Umalis na sila.

         "So shall we start?" Sabi ni Jinyoung na nakangiti.

Kinuha niya yung eyeshadow pallete na may light color tapos pinili niyang kulay light blue, siguro para iterno sa dress? Nagawa naman niya ng maayos, tapos nagproceed naman siya sa eyeliner. Parang expert na expert to ah, hindi ko manlang naramdamang nanginig yung kamay niya.

      Bat ganun? Mas marunong pa siya mag make up kesa sakin? Huhu

Pero napansin kong ang lapit lang nang mukha namin, bigla kong naramdama yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi to pwede, hanggang kaibigan lang ang turing niya sayo.

  Kikiligin na sana ako,kaso bawal. Kase parang lang din tong literal na cliche. Bawal kang mafall sa bestfriend mo kase kapag nalaman niya yon, baka masira ang tagal ng pagkakaibigan niyo.

  "Oh ayan tapos na" sabi niya pagkatapos akong lagyan ng lipstick.

  
         "Tara na, magmadali na tayo. Late na tayo ng 5 minutes" sabi niya tapos hinawakan niya yung kamay ko. Kaya agad naman akong bumitaw,

     "Mag madali lang walang tayo" sabi ko, pero joke lang. Kaso gaya nga ng sabi nila Jokes are half meant. Nakita ko biglang sumimangot siya.

      

❝oh little girl❞Where stories live. Discover now