charlie's House

7.4K 134 36
                                    

dali dali akong nagpunta sa table ko.

'ang walanghiyang yun. ang kapal ng muka. gwapo daw sya? oh well gwapo nga sya. pero makapal parin muka nya!'

sabi ko sa sarili ko at padabog na inaayos ang mga gamit ko sa table.

"hoy gurl. anyare? bakit pinaiwan ka ni sir pogi sa loob?" maintritang tanong ni maxie.

"sya? gwapo? hell no! anu yang mata mo? salamin gusto mo?"gigil na sabi ko kay maxie

"ay ang taray. pero para talagang nakita ko na sya gurl. hindi ko alam kung saan eh kanina ko pa iniisip." sabi nya at nag isip ulit.

"sya yung lalaki dun sa bar" mahinahon na sabi ko.

"OH MY... OH.. OH MY GOD! YUNG LALAKING INAKIT MO SA BAR AY SIR-----"

mabilis na tinakpan ko ang bibig ni maxie dahil halos sumigaw na sya dahil hindi sya makapaniwala.

"bunganga mo bakla ka. baka mamaya may makarinig sayo." halos pabulong na sabi ko sa kanya.

"eh gurl hindi kasi ako makapaniwala. isipin mo yun. ang liit ng mundo. pinagtagpo talaga kayo." kinikilig na sabi nya.

"oo pinagtatagpo para guluhin nya yung buhay ko. para asarin ako at para bwisitin ako."

"yiiih. the more you hate the more you love." pangaasar nya.

"muka mo! tantanan mo nga ko." sabi ko at nagumpisa ng gawin yung trabaho ko.

tinuon ko nalang yung atensyon ko sa ginagawa ko. kaya hindi ko namanlayan na tanghali na pala.

"walang balak mag lunch? seryosong seryoso ka jan ah"sabi ni heidy habang kasama nya si maxie. naka tayo sila sa likod ko.

"sige mauna na kayo sa canteen. susunod nalang ako dun. tapusin ko lang to" sabi ko habang nakatingin parin sa ginagawa ko.

ramdam ko na naglakad sila palayo at biglang bumalik sa likod ko.
tinutusok ako sa tagiliran pero hindi ko alam kung si heidy o si maxie yung nangingiliti sakin.

"ano ba. di pa nga ko tapos dito oh. pano ko matatapos kung nangingiliti kayo. sabi ko na susunod nalang ako." sabi ko habang sa papers parin ako nakatingin at nagsusulat.

hindi parin tumitigil sa pag sundot sa tagiliran ko kaya napatingin nako.

"ANO BA--" hindi ko natuloy yung sinasabi dahil nakita ko si charlie sa likuran ko.

akala ko sila maxie parin yung nasa likod ko. pero si charlie pala yun.

"nagugutom nako." naka ngusong sabi nya. yung mukang nag papaawa.

"sir? muka ba kong pagkain?" sarcastic na tanong ko.

ngumiti sya ng nakakaloko. at lumapit sa tenga ko. dinikit nya yung labi nya dun kaya para kong kiniliti nung nagsalita sya.

"no. pero mas masarap kapa sa pagkain" bulong na sabi nya sa tenga ko.

narinig ko na naman ang malakas na pagtibok ng puso ko.
hindi ako makagalaw. hindi ako makapag salita.

nabalik lang ako sa sarili ko ng hatakin nya yung kamay ko at naglakad kami palayo.

"bitawan mo nga ako." pagpoprotesta ko.

masyado na kaming nakikita ng mga tauhan dito sa kompanya.
ayokong magisip sila ng masama tungkol samin.

"ayoko. sasamahan mo ko sa bahay ko. dun tayo mag la-lunch." sabi nya habang hila hila pa rin yung kamay ko.

A VIRGIN WHORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon