Girlfriend

5.6K 91 22
                                    

kinuha agad ni maxie sa kusina yung first aid kit.

"lumapit ka dito. gamutin natin yang sugat mo." sabi ko kay charlie.

agad naman syang tumabi sakin.

"ang sweet naman ng girlfriend ko." ngumiwi sya ng maramdaman yung sakit dahil sa pagkakangiti nya.

"girlfriend ka jan. bakit mo nga pala sinabi kay aron yon?" takang tanong ko. habang nilalagyan ng gamot yung mga sugat nya.

" para tigilan kana nya. bakit ayaw mo ba?" seryosong tanong nya.

"syempre gusto." mabilis na sagot ko.

gusto ko naman kasi talaga na tigilan nako ni aron. dahil tapos na ang lahat samin simula ng lokohin nya ko.

"gusto mo naman pala eh. so tayo na?" nakangiting tanong nya.

nagulat namn ako bigla. napanganga ko sa sinabi nya.

"ha?" nakangangang tanong ko.

"i asked you if ayaw mo ba na maging girlfriend kita sabi mo 'syempre gusto' "  sabi nya at talagang pinilit nya pang gayahin yung boses ko.

gusto kong matawa dahil sa ginawa nya pero mas nangibabaw sakin ang pagkabigla.

"hindi naman yun yung ibig kong sabihin!"

"hep. wala ng bawian. girlfriend na kita simula ngayon. so, good night queen *tsup*" sabi nya at hinalikan pa ako sa labi bago tumayo at lumabas ng pinto.

natulala lang ako at hindi nakakibo.

nang nakalabas sya ay napahawak nalang ako sa labi ko. hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"ay. ay. ang lande? may pag ngiti mag isa. ano yan? kinikilig ka?" pangaasar sakin ni maxie na kakalabas lang ng kwarto nya.

"hindi no! natawa lang ako sa naisip ko." palusot ko pa.

"ano naman naisip mo? tsaka nasan si sir pogi?" sabi nya at luminga linga pa sa paligid.

"wala na umuwi na" sabi ko habang pigil pigil ko yung pag ngiti.

naiinis ako sa sarili ko. kinikilig ba ko?

"hala sya. kinikilig nga ang bruha. hoy! kakabreak mo palang sa boyfriend mo! magluksa ka muna kahot papano!" sabi ni maxie sakin.

irap lang ang isinagot ko sa kanya at pumasok na sa loob ng kwarto.

kinuha ko muna yung cellphone ko sa bag bago ko nahiga sa kama ko.

nakita kong may text si charlie sakin.

sir charlie

goodnight, namiss agad kita.
balik ako jan? :)

nagtype agad ako para sagutin sya.

andy

sige. dito ka matulog. :D

nagreply agad sya ilang minuto lang ang lumipas.

sir charlie

sige. :) pabalik nako jan. wait lang.

mabilis akong nagtype. dahil baka nga bumalik sya dito.

andy

sige dito  ka  matulog. tabi kayo ni maxie :D hahahaha.

A VIRGIN WHORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon