Chapter 10: The Challenge

22.4K 261 3
                                    

Sorry po ulet sa matagal na update >///< nakakahiya tuloy. Thank you po pala sa mga nag-add nitong MFIAG sa kanilang reading list ^//^.  Sorry for the Typo-Errors at wrong grammars ^o^

Chapter 10: The Challenge

AZMARIE’s POV

“Princess, gising na” inaantok pa ako please (_-_)

“Princess, uii. Gising na. May pasok ka pa”

 

 

 

“Yaya, 20 minutes pa po” inaantok pa ako, kasi busy akong nagrecord kagabi =___=

“Sige 20 minutes pa, malelelate ka ng bata ka” nakakatamad talaga pumasok pag-Monday

 

 

 

“Yaya naman, absent na lang po ako” sabi ko sabay talukbong

 

 

 

“Hindi pwede, malalagot ka sa daddy mo nyan, may usapan pa kayo ngayon diba ?”

 

 

 

“Pwede bang cancel  muna Yaya ?” di pa rin ako bumabangon. Hindi uso alarm clock ngayon sakin, nabasag ko kahapon eh =____= e inaantok pa ako e.

“anong cancel pinagsasabi mong bata ka ? Daddy mo kakausapin mo hindi yung sa company niyo” shutek naman. Maka-bangon na nga. Mananakot nanaman yung daddy ko mamaya =____=++

“Opo opo. Labas na kayo Ya, maliligo na po ako” sabi ko at tyaka bumangon

“Siguraduhin mo lang, wag kang tatakas. May mga guards jan sa bintana mo” at tuluyan ng umalis si Yaya Minda. May guards talaga ?

*silip sa bintana*

Psh =_____= meron nga. Kasi dati sabi ko maliligo lang ako, pero tumakas ako. Tinalon ko yung bintana ng kwarto ko para maka-alis, may puno naman nun eh kaya okay lang. Eh ngayon guards na ang meron ~.~

My Fiancee is a Gangster [Finished & Slowly Being Edited]Where stories live. Discover now