Chapter 2

193 3 8
                                    

Ninenerbyos siya, pero excited pa rin. Sa wakas ay dumating na rin ang araw na pinakahihintay niya. Nasa private bus siya kasama ng mga iba pang exchange students at papunta na sila sa Green Valley Imperial High. Pero pag naaalala niya ang mga palitan ng mga paalam at good luck sa kanilang dorm, naguiguilty siya. Hindi alam ng kanyang mga kaibigan ang kanyang plano maliban na lang kay Trevor, ang alam lang nila ay pupunta siya sa Imperial High bilang isang exchange student for 5 months at babalik rin pagkatapos nito. Oo, hindi na babalik si Jenny sa Green Valley Royal High at wala nang makakapigil sa kanya, pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na sila magkikita ng kanyang mga kaibigan. Nasa parehas na siyudad naman sila at hindi naman ganoon kalayo ang Imperial High sa Royal High. Napagkasunduan rin nila ni Trevor na magkita during weekends.

Ayaw na niyang pag-isipan pa ang mga bagay-bagay kaya inalis na niya ang tingin niya sa bintana at sumandal na lang siya sa kanyang upuan. Kinuha niya ang compact mirror sa kanyang bulsa for the 10th time para tignan ang bago niyang blonde na buhok. Hindi siya mapakali dahil first time niyang i-dye ang kanyang buhok. Mula black naging blonde, sa pamamagitan ng tulong ni Trevor. Kahit na sinabi ng mga kaibigan niya na bagay niya iyon, hindi pa rin niya mapigilang maging hindi komportable. Iniisip niya kung tama ba ang naging desisyon na magpakulay ng buhok.

"Unnie, ang cool naman ng buhok mo." sabi ng kanyang seatmate sa bus na first year.

Ngumiti si Jenny sa kanya "Talaga? Sa totoo lang, hindi ako komportable sa buhok ko. Minah, sa tingin mo, kailangan kong ipakulay uli ng black ang buhok ko?"

Nagulat naman si Minah sa itinanong ng kanyang sunbae [senior] "Unnie, hindi na. Parang ang charming at cool mong tignan sa blonde na hair color." Ngumiti si Minah para ipakita sa kanyang sunbae na nagsasabi siya ng totoo.

Mahinhin na tumawa si Jenny "Sige, sabi mo eh." 

[after 20 minutes]

"Mga bata, ayusin niyo na yung mga gamit niyo! Nandito na tayo!" ipinaalam sa kanila ng bus driver. Lahat ng mga estudyante pati na si Jenny ay tumingin sa mga bintana ng bus. Nandito na sila, Green Valley Royal High. Ang pangalan ng school ay nasa malaking gate ng school.

Pagkapasok ng bus sa school grounds, nakita ni Jenny kung gaano kasaya ang school na ito para sa kanya. Napansin niyang marami rin sa mga estudyante ay may kulay rin ang buhok. Lahat ay masaya sa school grounds, ang mga iba ay nakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan, ang mga iba naman ay busy na nakikipag-usap sa pamamagitan ng pagcall gamit ang kanilang cell phones, iba rin sa kanila ay may dala-dalang laptop. May grupo ng mga estudyante nakakuha ng kanyang atensyon na may cd player at speaker sa kanilang tabi. Hindi niya napigilang ngumiti. Welcome to heaven, Jenny sabi niya sa kanyang sarili.

Heaven, yun ang akala niya.

-------------------------------------------------------------------------------

Isa sa mga school staff ang nag-escort sa kanya sa office ng Vice Principal. Iniwan niya ang kanyang mga gamit sa bus dahil ang maintenance ng school ang magdadala sa kanilang dorm. May nakita siyang tinted glass door na may sign na "Vice Principal's Office" pagkarating nila sa dulo ng hallway.

"May meeting pa ang Vice Principal kasama ang mga high school teachers sa loob, pero hindi naman matatagalan. Matatapos siguro sila by 9:30 am." sabi ng staff kay Jenny. Tinignan ni Jenny ang kanyang relo, 9:15 am na. Fifteen minutes pa, inisip niya sa kanyang sarili.

"Okay, pagkalabas ng mga teachers sa office, pwede ka nang pumasok sa loob. Huwag mong kalimutang kumatok." sabi ng staff bago siya tumalikod at iniwan si Jenny sa labas ng office.

I fell for a JERK [ON HOLD]Where stories live. Discover now