Chapter 4.3

113 2 3
                                    

Pagkatapos maglinis sa living room ay dinala ni Marcus si Jenny sa maikling daanan papunta sa dining room, pagkatapos ay nagsimula nang maglinis ang dalawa.  Nang matapos hugasan ni Jenny ang nakatambak na mga maruruming plato, napansin niya na lima lang ang mga upuan na nakapaikot sa mesa.

"Marcus, ilan ang nag-oocuppy dito sa dorm?" tinanong ni Jenny si Marcus na nakasandal sa counter.

"Lima. Pero dahil dalawa sa dorm mates namin ang kabilang sa mga exchange students na dinala sa school niyo, tatlo na lang kami. At dahil magsstay ka dito, apat na ngayon."

"Paano makakapagkalat ng ganito ang dalawang tao, akala ko pa naman sampu ang students sa Dorm 1. Obvious naman na kadarating mo lang kanina kaya ibig sabihin ay ang dalawang natira mong dorm mates ang may gawa nito." 

"Hindi. Si Dennis ang may gawa nito. Hindi ganito kakalat si Jerome" sabi ni Marcus.

Nagulat si Jenny sa narinig niya. Siya lang ang may gawa ng kalat na ito? "Lagi ba siyang ganito?" tinanong ni Jenny. "Hindi, ginagawa niya lang to tuwing Monday at sa mga iba ko pang shifts. Gustong-gusto niya akong iniinis" isinagot ni Marcus.

"Kung ako lang ang nasa lugar mo, mamamatay na ako sa sobrang inis" umiling-iling si Jenny. "So, kailan nakaschedule ang kapatid mo na maglilinis?" itinanong ni Jenny.

"Wednesday. Bakit?" 

"Ipaghihiganti kita" isinagot ni Jenny, natawa si Marcus sa plano ni Jenny.

"Parang masaya, isama mo rin ako" sabi ni Marcus.

"Na-iimagine ko na ang mga pulis na inaaresto si Dennis pagkatapos subukang habulin ka na may kutsilyo" pabirong sinabi ni Marcus.

Si Jenny na alam na nagbibiro ang kaibigan ay nakisakay naman at sumimangot"Hahayaan mo lang siyang habulin ako na may dalang kutsilyo? At hindi mo man lang siya susubukang pigilan?"

"Sino namang tatawag sa mga pulis? Hindi naman pwede si Jerome hyung, kasingbagal niya ang mga alaga niyang pagong" isinagot ni Marcus at nagtawanan ang dalawa.

 "So, ang pangalan ng isa pang occupant ay Jerome? Anong year na siya?" tinanong ni Jenny, iniiba ang usapan.

"Senior na siya, siya rin ang pinakamatanda dito sa Dorm 1." isinagot ni Marcus.

"At may alaga siyang pagong?" itinanong ni Jenny.

"Mga pagong" sabi ni Marcus "Tatlo ang alaga niyang pagong."

Binulong ni Jenny ang isang mahinang 'Wow' "Talagang mahilig siya sa pagong no? Talagang gusto ko noong mag-alaga ng hayop. Supportive sa akin noon si mama at binilhan niya ako ng goldfish. Kaso, namatay pagkatapos ng 2 araw. Tapos binilhan uli ako ni mama ng goldfish pero kinain ng pusa ng kapitbahay namin. Umiyak ako noon nang umiyak kaya binilhan uli ako ni mama para sumaya ako. Pero pagkatapos mamatay ng ikawalo kong goldfish, hindi na ako binilhan ni mama" nagpout si Jenny matapos ang kanyang kwento.

"Ang malas mo naman. Dapat lumayo ka sa mga pagong ni Jerome hyung. Muntik na niyang mapatay ang isa niyang pagong" sabi ni Marcus.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Noong 2 months old na ang pagong na iyon, akala ni hyung na dapat matutong lumangoy ang mga pagong. Kaya naman dinala niya sa banyo at nilagay niya sa bath tub."

"Hindi ba niya alam na hindi makakahinga ang mga pagong sa ilalim ng tubig?" sinabi ni Jenny, hindi makapaniwala sa narinig.

"Noong mga panahon naiyon ay hindi pa niya alam, buti na lang at nailigtas ang pagong niya." sabi ni Marcus.

"So sino ang 'anghel na ipinadala mula sa langit' para iligtas ang kawawang pagong?" sinabi ni Jenny, binigyang diin ang 'anghel na ipinadala mula sa langit'

Tumawa ng bahagya si Marcus "Ang 'anghel na ipinadala mula sa langit' para iligtas ang kawawang pagong ay walang iba kung hindi ang aking pinakamamahal na kapatid na si Dennis." 

Si Jenny ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig "Si Den- ang ibig kong sabihin, si Leeteuk?" 

Tumango si Marcus "Pumasok siya sa loob ng banyo para magshower, pero pagkatapos ng 2 minuto ay bumukas nang malakas ang pinto ng banyo sa sobrang lakas ng pagbukas niya. Lumabas siya sa banyo na may hawak na pagong habang sumigaw ng 'Sino ang nag-iwan ng pagong sa ilalim ng tubig?!' " sabi ni Marcus, gayang-gaya ang boses ni Dennis "Nagulat rin kami dahil hindi niya iyon hinayaang malunod. Wala kasi siyang masyadong pakialam sa mga bagay sa paligid niya." paliwanag ni Marcus.

"May pakialam rin pala siya" sabi ni Jenny sa mahinang boses, pero natuwa naman si Jenny na ang lalaking medyo kinakatakutan niya ay hindi naman ganoon kasama, ang lalaking nagpakita sa kanya ng pagkasuplado at masamang ugali noong unang araw niya ay posibleng nagsusuot lamang ng maskara.

"Pwede rin" isinagot ni Marcus "Tara, tignan natin kung saan nila nilagay ang mga gamit mo para makapag-ayos ka na."

"Sige. At kailangan mo ring sabihin ang kwento sa likod ng inyong nakakaintrigang surnames."

"Pero hindi ko sasabihin ang lahat, i-sasummarize ko na lang para sayo."

"O sige. Nasaan ang mga kwarto?"

"Tara, sa itaas."  at umakyat sila papunta sa 2nd at 3rd floor para hanapin ang kwarto ni Jenny.

---------------

Yo :D I'm baaaaaaaaack~ 

Kung nagtataka kayo kung bakit puro lalaki ang kasama ni Jenny sa dorm, yung 2 nilang dorm mates na sinabi ni Marcus na exchange students ay mga babae...Kaya natira ang mga lalaki...Pero wala namang mangyayaring masama sa kanya xD 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I fell for a JERK [ON HOLD]Where stories live. Discover now