Chapter 4.2

188 4 5
                                    

"Isara mo yung gate" sabi ni Marcus habang lumingon kay Jenny, at sinarado ni Jenny ang gate "Yan ang rule number one, panatilihing nakasara ang gate at ang main door" paliwanag ni Marcus habang tinuro niya ang gate at ang glass door ng building "Para sa kaligtasan rin natin." Itinuloy niya, tumango lang si Jenny. Nanood si Jenny habang ini-swipe ni Marcus ang ID niya sa may lock detector sa tabi ng hi-tech glass door , at nakarinig siya ng mahinang pagbeep habang bumukas ang pinto. Cool, inisip ni Jenny.

Pagkapasok niya sa loob ay hindi na siya mapakali. Tumingin siya sa kanan at kaliwa na parang may hinahanap.

Napansin ni Marcus na hindi mapakali si Jenny, "Relax, wala pa siya dito" tumawa siya ng bahagya. Tumawa si Jenny ng nininerbyos na tawa "Anong sinasabi mo? Sinong wala pa dito?" sinubukan niyang magpanggap na hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ni Marcus.

"Hindi mo ba siya hinahanap? Si Dennis? Nakita ko kasi na hindi ka mapakali siguro dahil makikita mo siya ulit" paliwanag ni Marcus "Mali siguro ako" idinagdag niya.

Nagbuntong-hininga si Jenny pagkatalikod ni Marcus at paglakad niya pa lalo sa loob ng dorm. Ayaw niyang malaman ni Marcus na nababahala siya sa kanyang kakambal, ayaw niyang mag-alala ang mga kaibigan niya sa kanya. Sinundan niya si Marcus sa loob.

Ang living room ang unang sumalubong kay Jenny. May isang mahabang black na sofa na nakasandal sa pader na may maliit na framed window. May mahabang black rectangular table sa harap ng sofa at may mga nakapatong na libro at magazines dito. May bookshelf sa katapat na pader nito at may study table sa may sulok na may dalawang upuan. Habang tumitingin-tingin si Jenny, nagulat siya nang sindiin ni Marcus ang ilaw. Mas natignan pa lalo ni Jenny ang paligid.

"Salamat" sabi ni Jenny. Nagkibit-balikat lang si Marcus bago dumiretso sa isang maikling hallway papunta sa isa pang kwarto. 

Bumalik si Jenny sa pagtitingin sa loob ng dorm. Napansin niya na makalat, may soccer ball at mga lukot-lukot na papel sa sahig, pati na rin mga candy wrappers sa may study table. Habang tumitingin siya sa living room, may napansin siyang isang white board na nakasabit sa pader malapit sa bookshelf. Parang pagshift ng schedule ng mga gawaing-bahay sa dorm, pero ang napansin ni Jenny ay ang pangalan na nakasulat sa white board:

-----------------------------------------

MONDAY:

- Marcus Cho

----------------------------------------

"Ang cute~..." sabi ni Jenny "Ba't di mo sinabi sa akin?! May dalawang Marcus pala dito sa dorm, isang Cho at isang Park" sinabi ni Jenny na parang isang masiyahing bata. Nawala ang ngiti niya nang marinig niyang tumawa si Marcus sa kabilang kwarto. "Ba't ka tumatawa? Anong nakakatawa?" sinabi ng malakas ni Jenny para marinig ni Marcus. Nang lumabas si Marcus, may hawak siyang maliit na trashcan.

"Sinabi mo bang isang Cho at isang Park?" sinabi ni Marcus, habang pinipigilan ang pagtawa. Tumango si Jenny. "Bakit mo naman naisip na may Marcus Park?" tinanong niya.

Tumawa naman si Jenny na parang nagjoke lang si Marcus "Hindi ba ikaw yon?" Marcus Park." Sinabi ni Jenny.

Umiling si Marcus "Hindi, walang Park dito" ngumiti siya at itinuro ang white board "Meron lang tayong Marcus Cho dito sa Dorm 1"

Tinignan ulit ni Jenny ang white board, maraming tanong ang nabubuo sa isipan niya.

"Marcus" tinawag niya "E di ngayon ang schedule mo?" tinanong niya. Tumalikod siya at nakita niya si Marcus na nakaluhod sa sahig habang pinupulot ang mga papel at inilalagay sa trashcan. Si Marcus na narinig ang tanong ay tumango lang nang naramdaman niya na naghihintay pa rin si Jenny ng sagot.

Si Jenny ay gulat pa rin at lumapit siya kay Marcus. Lumuhod rin siya sa sahig para harapin si Marcus. "P-pero si Leeteuk? Park siya, at sinasabi mong Cho ka samantalang kambal kayo. Paano nangyari iyon?"

Kinwento pa lang ni Marcus ang dahilan kung bakit magkaiba sila ng apelyido sa kanilang mga kaibigan. Pero dahil alam niyang magtatagal rin si Jenny at lalong magiging malapit si Jenny sa kanya dahil sa kabilang na siya sa kanilang mga magkakaibigan, inisip ni Marcus na dapat may alam rin si Jenny tungkol dito. Kinamot ni Marcus ang ulo niya, "Masyadong komplikado. Baka hindi mo masundan kahit na sabihin ko sayo" sinabi niya kay Jenny.

Si Jenny na na-intriga ay nginitian si Marcus "Promise, susubukan kong sundan" sinabi ni Jenny. "At saka kasalanan mo naman e. Ginawa mo akong mega curious at na-intriga ako, baka mamatay ako pag di mo sinabi sa akin" gumapang siya palapit kay Marcus "Sige na Marcus, subukan mo lang" sinabi ni Jenny.

Hindi mapigilan na matawa ni Marcus kay Jenny na parang batang nag-iinarte. "Sige, sasabihin ko sayo pero pagkatapos kong gawin ang mga gawaing-bahay" sinabi ni Marcus habang tumatayo, masaya namang tumango si Jenny.

"Matatagalan nga lang, kaya wag ka munang mamamatay habang naglilinis ako ha?" pabirong sinabi ni Marcus at tumawa naman si Jenny.

Tumayo rin si Jenny, "Sige, pero hayaan mo akong tulungan kita. Hindi ka matatapos linisin ang kalat na ito ng ikaw lang mag-isa" umiling si Jenny sa hindi pagkakapaniwala.

"Sigurado ka ba? Hindi ba dapat tinatanong mo kung nasaan ang kwarto mo para maayos mo na ang mga gamit mo?" itinanong ni Marcus.

"100 percent sure, mag-aayos na lang ako ng gamit ko mamaya. Gusto ko talagang tumulong, kaya dapat hayaan mo ako kung hindi mamatay ako" biro ni Jenny.

"Sige, kung talagang gusto mo" sinabi ni Marcus habang tumatawa ng mahinhin "Pwede mo na akong simulang tulungan sa paghuhugas ng mga plato"

I fell for a JERK [ON HOLD]Where stories live. Discover now