Chapter 3

183 4 3
                                    

Halos 11 o'clock na nang lumabas si Dennis sa Vice Principal's Office. Iniisip ni Jenny kung anong klasing pakikipag-usap ang ginawa ng vice principal sa kanya na umabot ng halos isa't kalahating oras.

Sa kabilang banda, maayos naman ang pag-uusap ni Jenny at ng vice principal at umabot lang sila ng isang oras. Pinag-usapan nila ang tungkol sa request ni Jenny para sa entrance exam para maging permanent student na siya pagkatapos niyang maging exchange student sa loob ng limang buwan. Dahil maganda at malinis naman ang school record sa Green Valley Royal High, nagbigay ito ng advantage para sa kanya. Sinabi ng vice principal kay Jenny na i-momonitor siya sa limang buwan ng pagiging exchange student niya at pag maganda ang performance niya sa school, pwede na siyang magtransfer sa Imperial High bilang isang permanent student, either mayroong entrance exam o wala. Pero kailangan muna niyang tuparin ang kanyang mga pangako.

Isa sa mga pagbabagong nangyari ay hindi niya ka-share ng dorm ang mga kasama niyang exchange students sa Royal High. Magiging ka-share niya ng dorm ang ibang mga estudyante ng Imperial High. Pagkatapos nilang mapag-usapan iyon, nakita ni Jenny na nakipag-usap ang vice principal sa telepono na ipinapadala nito ang mga gamit ni Jenny sa Dorm 1.

Quarter to twelve na nang lumabas si Jenny sa office. Nagugutom na siya sa matagal niyang paghihintay kaya bago siya pumunta sa dorm na inassign sa kanya, dumeretso muna siya sa school canteen para maglunch. Kahit na puno ang canteen, marami pa rin ang nakakapansin sa kanya dahil suot pa niya ang kanyang Royal High uniform. Hindi pa niya niya iyon napapalitan ng uniform na i-pinrovide ng Imperial High dahil gusto niya munang kumain. Hinayaan niyang tumitig ang mga iba sa kanya at pumila na siya.

Lahat na ata ng table ay puno at wala na siyang makitang table na konti lang ang nakaupo. Habang naghahanap pa siya ng table, may nakita siyang kumakaway sa kanya at ipinapahiwatig na pwede siyang sumali sa kanya/kanila. Lumapit si Jenny at medyo nahihiya pa sa tumawag sa kanya na may kasamang kaibigan na kumakain ng lunch.

"Uhm...Hi." bati ni Jenny

"Hi, nakita namin na nahihirapan kang maghanap ng table. Kung gusto mo, umupo ka at sumali sa amin." sabi ng cute na lalaking tumawag sa kanya.

Ngumiti si Jenny sa paanyaya niya "Thank you." Umupo siya sa isang upuan na di pa na-ooccupy.

"Walang anuman. Ako nga pala si Aiden." Iniabot niya ang kamay niya para makipagkamayan at masaya naman itong tinaggap ni Jenny.

"Ako si Jenny Park. Nice to meet you." sinabi niya habang nakikipagkamayan.

"Isa ka sa mga exchange students galing sa Royal High na kadarating lang kanina no? Hmm, gaano ka kaya katalino..." sabi ni Aiden.

Hindi mapigilan ni Jenny na matawa sa sinabi ni Aiden, "Oo, isa nga ako sa mga exchange students. Pero bakit mo naman naisip na matalino ako?" tanong niya.

"Hmm, kasi narinig ko na maraming matatalinong students sa school mo at mukha ka namang matalino." sabi ni Aiden.

"Paano mo naman nasabi?" nagtanong uli si Jenny

"Matalino ka, nasabi ko dahilsa kulay ng buhok mo. Minsan, matalino kasi ang mga blonde." sinubukan niyang maging seryoso pero pumalpak nang nagsimulang tumawa ang dalawa

Tinignan ni Jenny si Aiden na obvious na blonde rin "So, ibig sabihin ay matalino ka rin" tumawa si Jenny.

"Siguro? Well, ganoon kasi ang itsura mga matatalino." pabiro na sinabi ni Aiden

"Di ko naman naalala na blonde si Albert Einstein" pabiro ring sinabi ni Jenny "At hindi ako natural na blonde, kinulayan ko lang ang buhok ko. Black yung totoong kulay ng akin"

I fell for a JERK [ON HOLD]Where stories live. Discover now