Chapter Eighteen

61 3 0
                                    

BACK TO EACH OTHER ARMS














LANCE's POV ...

I still can't believe na sa ganun kong tagpo makikita sina James Matthew at Ally.

Sa sobra ko kasing pag-aalala nang makita siyang tumatakbo at parang may pinapahid sa kanyang pisngi ay bigla akong kinabahan.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nasaktan dahil para bang nasaktan ko siya.

Kaya naman pagkatapos kong maisakay si Brenda sa sasakyan ko, ay nagsinungaling ako sa kanya na may nakalimutan akong kuhanin. At mabilis na akong tumakbo para maabutan ko si Ally.

Pero bigo ako dahil hindi ko alam kung saan siya nagtungo. Kaya naman walang pagdadalawang isip na sinumulan ko ulit manakbo patungo sa sekretong hardin kung saan kami pumupunta. Nagbabakasali  kasi ako na dun siya nagtungo.

Habang nanakbo ako. Hindi mawala sa isipan ko ang malungkot na mukha ni Ally.

Parang sobrang daming karayom ang unti-unting tumuturok sa puso ko sa isiping baka umiiyak si Ally.

Nang marating ko ang sekretong hardin wala akong nakitang tao duon. Kaya naman wala nang pag-iisip ay tumakbo ako kung saang sulok nang University.

Kahit naramdaman ko na ang pagod ay hindi ako tumigil sa pagtakbo. Dala narin nang pag-aalalang nararamdaman ko ay hindi ko ininda ang hapo sa pagtakbo.

Ngunit wala parin akong Ally na natagpuan. Ni walang bakas kung saan ko siya maaaring makita.

Damn it, Damn it...

Paulit ulit kong mura sa aking isipan.
Nang mapansin ko ang Librarian na naglalakad. Biglang sumagi sa aking isipan na minsan ko nang nakita si Ally sa Library.

Kaya wala na akong inaksayang oras at nagtungo na ako sa Library.

Habang tinatakbo ko ang daan patungo sa Library ay agad akong napahinto.
Dahil kitang kita ko kung paano nakahawak ang kamay ni James Matthew kay Ally.

Parang sasabog ang ulo ko dahil bigla akong nakaramdaman ng galit sa nakikita ko sa kanila. Gustuhin ko man lumapit ay parang nabaon sa lupa ang mga paa ko. Kaya naman pinanuod ko nalang silang dalawa mula sa puwesto ko.

Nabali lang ang pagkakatitig ko sa kanila ng biglang mag-ring ang cellphone ko, at nang kinuha ko ito mula sa bulsa ko ay hindi ko naiwasang mapamura.

Damn it. I forget about Brenda.

Dahil nakalimutan ko nang may kasama pala akong iniwan sa sasakyan. Kaya naman nagmadali na akong bumalik sa kotse ko.



Nagmadali na akong sumakay sa kotse ko, habang pinapaandar ko ito ay bigla akong napatingin kay Brenda na halatang halata na medyo nainis. Hindi ito ngumiti ng magsalita.

"What take you so long, muntik na akong mabored dito ha."

"Sorry Brenda, Let's Go."

Tamango lang si Brenda sa sinabi ko at ngumiti na ito. Hindi ko maiwasan mapangiti narin, dahil na rin siguro na mas gumaganda itong tingnan lalo na kapag nakangiti.

Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon