BACK TO EACH OTHER ARMS
Hindi ko napansin na nakatulog pala ako pagkatapos kong maayos ang sarili ko. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Nagising lang ako ng dahil sa katok na nagmumula sw pintuan.
Agad naman akong napabangon. Dahil parang napaka-urgent naman ng pagkatok na iyon.
Nagmadali narin akong buksan ang pintuan. Bago pa ito gibain ng taong kumakatok dito.
"Finally. You're awake. We need to go to the hospital, right now."
Hindi na ako sumagot o nagtanong manlanh kay James Matthew ng marinig ko ang sinabi niya. Agad akong kumuha ng bag at jacket. Nakabihis na naman ako kanina pa. Nakatulog lang ako. Kaya jacket nalang ang kinuha ko. Naka pants at fitted white shirt ako nung madatnan ako ni James Matthew..
Agad naman niya akong hinawakan sa pupulsuhan ko at hinila palabas. Ni hindi na ako nakapagpaalam sa tiyahin ko at aking pinsan.
Agad kaming sumakay ng elevator ng bumukas ito. Nagmamadali naman si James Matthew ng pindutin niya ang botton papunta sa underground parking ng condominium.
"J-james Matthew. May problema ma?"
Nahiya pa akong magtanong sa kanya dahil kinakabahan ako. Ngayon ko lang kasi nakita si James Matthew na ganito. At hindi ko rin nagugustuhan ang kabang nararamdaman ko.
Mas tumindi naman ang pagtatanong sa isipan ko ng hindi sumagot si James Matthew at mabilis kinuha ang phone niya sa bulsa. At may tinawagan.
Narinig ko pang nagmura ng mahina si James Matthew ng walang sumagot sa tawag na ginawa niya.
Naguumpisa naman akong manginig dahil parang may nangyayari na naman. At ang kaba sa dibdib ko mas lalong lumalakas.
Nang makarating kami sa underground parking halos hilahin na ako ni James Matthew papunta sa sasakyan niya.
"Hop in. We need to rush."
Halos napatigil naman ako ng sabihin iyon ni James Matthew at makita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Gustuhin ko man magtanong pero kusa nalang humakbang ang mga paa ko paakyat sa passenger seat at mabilis nagseatbelt.
Patakbo rin si James Matthew ng pumunta sa driver's seat. Hindi narin siya lumingon sa akin o nagsalita pa at nagmadali niyang pinaandar ang sasakyan. Halos mapahawak ako sa mahikpit sa ginawang pagpapaandar ni James Matthew para kasing sasabak kami sa isang car racing sa ginagawa niyang pagmamaneho.
Halos napapalunok din ako ng todo dahil parang may hinahabol kami. Kaya naman naglakas loob na ulit akong magtanong sa kanya. Nararamdaman ko din na hindi maganda ang maaari kong malaman. Dahil narin sa kabang nararamdaman ko at sa ikinikilos ni James Matthew.
"J-James Matthew. May nangyayari ba?"
Tulad kanina hindi sumagot si James Matthew. At kinuha na naman ang phone niya sa kanyang bulsa. At may tinatawagan na naman.
Para naman akong nainis sa inasal niya. Hindi ko na nagugustuhan ang kinikilos niya. Pati ang nararamdaman ko ngayon. Kaya naman pasigaw na akong nagsalita.
"JAMES MATTHEW ANU BA!!"
Agad naman siyang napatingin sa gawi ko. At kitang kita ko na may pag-aalala at inis sa itsura niya.
BINABASA MO ANG
Back To Each Other Arms
Romance((⇨All the stories of Lady Covet Stories written in English-Filipino..⇦)) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. This story is about the son and daughter of the member of MBC. (Multi-Billionaire-Corporation) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. A story of a simple girl Allynna Samonte who will...