BACK TO EACH OTHER ARMS
Chapter Thirty Six.
Mabilis kong pinapatakbo ang sasakyan ko ngayon dahil nga sa pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa opisina ko. Napagdesisyonan ko nalang umuwi agad sa bahay. Kaya halos lumipad ang sasakyan ko ngayon. Pero talaga naman atang minamalas ako ngayong araw, naabutan pa ko ng traffic.
Kaya naman mabilis akong gumilid para mapunta sa fastest lane, pero sa sobrang pagmamadali kong makalipat hindi ko napansin na red light pala ang traffic lights. Kaya wala na akong nagawa kundi ang magbreak hanggang sa kaya ko, pero i was too late, dahil din sa bilis ng pagdadrive ko, it's very late, kaya naman nabangga ko ang hulihan ng sasakyan na nasa unahan ko.
"Shit.''
Kahit masakit ang batok ko dahil sa impact ay agad akong bumama para tingnan ang nasagasaan kong sasakyan. Agad kong kinatok ang window ng driver's seat. Masyado kasing tinted ang sasakyan kaya hindi ko makikita ang loob nito. Kaya pinilit kong kinatok. At nanlaki ang mata ko ng makitang ibinaba ng driver ang window.
Halos nanlambot bigla ang tuhod ko ng makitang si Lance ang driver nun na sasapo-sapo din ang batok bago bumama at humarap sa akin. Halos nagkatitigan pa kami ng matagal. Bago siya nagsalita.
"Are you alright?''
Hindi naman ako agad nakasagot sa kanya dahil parang walang salita na gustong lumabas sa bibig ko. At ganun din ang titig ko sa kanya. Parang nagpapaligsahan pa ang mga titig namin sa isa't isa. Kasabay din nun ang kabang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko kasi talagang gumagawa ang tadhana na magkalapit kami o magkita.
"Excuse me, Are you two alright?"
Nabaling ang tingin namin sa matandang babae na nagtanong sa amin. Kaya napatango ako pero sa pagtango ko ay ang biglang pagsakit ng batok ko, kaya agad akong napangiwi sa sakit. Napansin ko naman agad ang biglang pag-aalala ng matandang babae, kaya bigla narin ang lapit ni Lance sa akin at ang paghawak niya sa akin. Gustuhin ko man alisin iyon ay hindi ko magawa. Dahil masakit talaga ang batok ko.
"We better let you sit."
Sumunod nalang ako sa kanya. At dinala niya ako sa sasakyan niya at agad inalalayan na makahiga ng maayos. Nang maiayos niya ako sa passenger's seat at mabilis siyang lumabas at chineck ang sasakyan ko at ang aksidente. Nakita ko din sa reviewer mirror na may tinatawagan siya habang nakuha na niya ang mga gamit ko sa kotse ko.
"is there anything hurting?''
Hindi ako nakalingon sa gilid ko kung saan siya medyo umupo para mas makausap ako.
"Not really, aside my nape."
"Are you sure. any fracture?"
Hindi ako agad nakasagot sa kanya. Dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa bawat pag-aalala niya sa akin, pero hindi ko rin maiwasan kwestyunin yun. Kahit pa nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
''Ally?"
Totoo ba ang naririnig ko, tinatawag niya ang pangalan ko. Bakit parang ang sarap sa pandinig ng tawag na iyon mula sa kanya. Nakatutulala lang ko sa kanya, habang parang nageecho sa tenga ko ang pagtawag niyang iyon. Parang pakiramdam ko pa nga ay gusto kong pumikit dahil gusto kong mas madama muli ang pagtawag niya.
Hindi ko na nga namalayan na unti unti na nga akong pumipikit, hindi ko na rin ininda ang sobrang pagsakit ng batok ko at biglang panginginig ng katawan ko. Nang marinig kong muli ang tawag ni Lance sa aking pangalan. But this time its a bit loud and i can hear his in panic.
BINABASA MO ANG
Back To Each Other Arms
Romance((⇨All the stories of Lady Covet Stories written in English-Filipino..⇦)) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. This story is about the son and daughter of the member of MBC. (Multi-Billionaire-Corporation) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. A story of a simple girl Allynna Samonte who will...