Chapter Fifty Two

62 1 0
                                    

BACK TO EACH OTHER ARMS




Chapter Fifty Two.





Nagmamadali akong bumaba mula sa kwarto ni Larry dahil may narinig akong nabasag na gamit mula sa ibaba. Nabalot ng kaba ang aking dibdib ng makababa ako at makitang walang humpay sa pagsuntok si Lance kay James Matthew na ngayon ay nakahiga na sa sahig. Mabilis akong lumapit sa kanila at agad kong hinawakan ang braso ni Lance na pasuntok na naman kay James Matthew.



"T-Tama na please."



Agad naman napatingin sa akin si Lance at alam kong kitang kita niya ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata.



Agad niyang inalis ang aking kamay at tumayo mula sa pagkakaluhod. Inalalayan ko naman si James Matthew para makatayo.



"Please James Matthew. Iwan mo muna kami. I'm sorry."



"I can't Ally---"



Hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang sasabihin ay umiling na ako at alam kong naintindihan niya ang gusto kong mangyari. Kaya naman wala siyang imik na umalis at tumingin sa akin na may pag-aalala bago tuluyang umalis.




"Hmmm, So-- He's back."



Agad naman akong napatingin sa sinabi ni Lance. Ramdam ko sa tono ng pagsasalita niya ang galit. Alam kong hindi lang para kay James Matthew kundi lalong lalo na para sa akin.



"S-si Lucy--"



"She's in the garden."



Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaupo na ako. Pakiramdam ko kasi ay nakahinga na ako sa sobrang pag-aalala at ngayon ko din naramdaman ang pagod.



"Fix yourself before you see her. Ayokong mag-alala siya. and don't mention about what happen, i think she don't know she was been kidnapped as what we think. Talk to her nanny too, never talk about what happen. It will be better if no one will open up about this matter."



Pagtango nalang ang naisagot ko sa kanya. Dahil wala akong lakas na makuha para magsalita. Dahil narin sa alam kong punong puno siya ng galit ngayon para sa akin. And to think how much i hurt him from everything i done. I know i deserve his anger.



Inayos ko ang sarili ko bago ako pumunta sa garden tula ng sinabi niya. I saw how Lucy laughing so much while playing with Lance. Eto ang unang pagkakataon na nakita kong ganito kasaya si Lucy. Nasasaktan ako dahil ipinagkait ko sa kanya ang lumaki at makipaglaro sa sariling ama. I feel i betrayed my child from hidding everything about their real father.



Hindi ko napansin na lumuluha na naman ako. Kaya pinili ko nalang muna na hayaan silang dalawa. At bumalik ako sa loob ng bahay.




Nakita ko nalang ang sarili ko na nasa loob ng wine cellar. At kumuha ng isang boteng wine at ininom ito.


"Bakit ba kasi hinayaan mong mangyari lahat 'to Allynna!! Bakit kasi hindi mo sinubukan lahat ng paraan para malaman niya ang lahat noon pa. Bakit kasi natakot ka?!"



Napayakap nalang ako sa aking tuhod habang nakaupo sa sulok. At walang humpay pumapatak ang aking luha. Dahil sa sakit. Dahil sa naging duwag ako. Dahil pakiramdam ko hindi lang ako kay Lance nagkasala pati narin sa aking dalawang anak.





CRAIG LANCELLOT ANDERSON





Habang ipinaghahanda ko ang kambal ng hapunan. Hindi ako mapalagay dahil hindi ko na nakita si Ally simula kanina. Akala ko ay sasamahan niya kami sa garden. Pero nakita ko siyang bumalik sa loob ng bahay. Gustuhin ko man puntahan siya sa kanyang silid ay pinagdesisyunan ko nalang antayin na bumaba siya mula roon. Dahil nasisiguro ko na doon lang siya nagtitigil.



Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon