Chapter 2

3.6K 100 10
                                    

“May mga press pa ba sa labas?” hinihingal na tanong ni Dan kay Rosette.

“Wala na. I already called the security guards. Itinaboy na nila ang mga reporters. Nagbilin na rin ako sa head nila na huwag basta-basta magpapapasok ng press dito.” Naupo ito sa couch na katapat ng inuupuan niya nang mga sandaling iyon.

Nagulat na lamang siya kanina dahil nang pabalik na siya mula sa paglalaro ng lawn tennis sa clubhouse ng village nila ay may mga nakaantabay nang press sa labas ng bakuran nila. Agad niyang tinawagan ang kapatid niya ngunit huli na dahil napansin na siya ng mga reporters. Halos isubo na ng mga ito sa kanya ang dalang recorders ng mga ito. Panay rin ang kislapan ng mga camera. Naging instant superstar siya dahil sa kalokohan ni Nav.

Malayung-malayo iyon sa paraan ng pag-i-interview ng mga ito kapag may fashion show siya—bilang designer at bilang ramp model—na mahinahon at hindi nagmamadali. Ngayon ay daig pa niya ang kinuyog ng sampung baklang trying-hard parlorista. Gulung-gulo ang buhok niya at gusot ang damit niya pagpasok niya sa bahay niya. Pakiramdam niya ay hindi na siya safe doon. Hindi siya titigilan ng mga ito hangga’t hindi niya sinasabi ang totoong relasyon nila ni Canavarro il Capitano—as what football fans call him.

Mabuti na lamang at hindi doon nakatira ang mga magulang nila. Sila lamang ni Rosette ang nakatira sa bahay na iyon sa Trinidad. Ibinili niya ang mga magulang nila ng bahay sa Victoria at pinalaki niya ang kanilang dating negosyo na pagtitinda ng gulay. Nagyon ay ang mga magulang na niya ang pinakamalaking dealer ng gulay at prutas sa Victoria. Iyon ang negosyo ng mga ito na pinagkunan ng mga ito ng pang-tuition niya dati. Kung nagkataon at naroon din ang parents nila ay siguradong malilintikan siya sa mga ito.

“Ate, anong gagawin natin? Grabe talaga ang mga reporters, kitang-kita ko kung paano ka nila itinulak-tulak kanina. Hindi titigil ang mga iyan kapag hindi nakuha ang gusto. Baka sa botique ka naman puntahan sa susunod,” nag-aalalang sabi ni Rosette sa kanya.

Ang totoo ay nag-aalala rin siya. Dahil sa pagiging sikat ni Nav kaya malaking scoop din para sa mga reporters kung maibubulgar ng mga ito sa madla ang mga escapades ng binata—at her expense.

Iniisip niya ang mga sinabi sa kanya ni Nav kahapon. Kung sasabihin niya sa press na wala silang relasyon nito, tiyak na lalo siyang ibo-boycott ng mga parokyano nila dahil ang mga ito ay nahuhumaling kay Nav. Baka pati ang modeling career niya ay matapos ng wala sa oras kapag nagkataon.

Pero kung papayag ako sa ideya ni Nav na magpanggap kaming lovers, ano ang guarantee na hindi na ako guguluhin ng mga reporters na ‘yon? Babalik na ba sa dati ang business ko? anang isang bahagi ng isip niya. The idea gives her excitement and nervousness at the same time.

“Don’t worry, I’ll do something about it. For the meantime, ikaw muna ang bumisita sa mga shops natin,” utos niya sa kapatid.

Napatayo ito sa kinauupuan. “Ha? Why me? Baka ako ang isunod nilang sugurin! I cannot take it,” tila maglulupasay na drama nito.

“Magpasama ka kay Cyan. Explain to the store managers what happened. Alam na nila ang dapat nilang gawin in case na sa botique naman sumugod ang press.” Magpo-protesta pa sana ito ngunit inunahan na niya. “Or else, magpaalam ka na sa mga credit cards mo ng kalhating taon, Rosette Danica. Madali akong kausap.”

Tabingi ang ngiti nito nang muling maupo sa couch. “O-Of course, I’ll do it. Madali lang iyon, kayang-kaya!” Sa lahat ng ayaw nito ay iyong mabawasan ang panggastos. Mahilig mamasyal ang kapatid niya. Kasalukuyan din nitong tinatapos ang MBA nito na siya ang nagbabayad ng tuition fee. Ang suweldo kasi nito ay nauuwi sa hulog sa condo unit nito sa Concepcion City.

“Good. Madali ka palang kausap.” Tumayo na siya.

“Ate saan ka pupunta?” pahabol ni Rosette sa kanya.

I'd RatherNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ