Chapter 10

4.5K 120 14
                                    

Her life is perfectly fine, or so she thought. Kung ilang beses na siyang napabuntong-hininga ay hindi niya alam. Dapat ay maging masaya na siya dahil malapit na niyang matapos ang mga designs niyang cosplay-inspired na ilo-launch niya sa susunod niyang fashion show. Maganda rin ang pasok ng pera sa kaha niya, dahil dumarami ang mga parokyano ng Trendsetter lalo na iyong nasa Macau na si Kat ang may-ari. Pero hindi pa rin niya magawang maging masaya.

Isang buwan na mula noong magkapaalaman sila ni Nav, at tulad ng ipinangako nito ay hindi na ito nagpakita pa sa kanya. Ni anino nito ay hindi niya nakikita sa mga party na sa palagay niya ay imbitado rin ito.

She terribly misses him even if he broke her heart twice. Hindi niya alam kung anong pumasok sa kukote niya at ito ang lagi niyang nakikita sa lahat ng ginagawa niya. Kapag nasa shop siya ay naaalala niya ang pagpunta nito roon para mangulit at mang-asar. At kapag nasa sasakyan naman siya ay naiisip niya na sana ay magkasama pa rin sila para may driver siya. She is really a hopeless case.

“Ay sisteret! May bisita ka sa labas!” anang store manager niyang si Dindo—a.k.a. Dindi—na basta na lamang pumasok sa opisina niya nang hindi kumakatok.

“Sino raw?”

“I forgot to ask the name!” nagpa-panic na sabi nito. “Kasi naman sisteret, he’s so hot, yummy, hunky, at—hoy teka lang!”

Hinilot niya ang sentido. “Alam mo, Dindo, asikasuhin mo na lang ang mga customers mo sa labas kaysa pagpantasyahan ang bisita ko.”

“Sister naman…”

“I-sister mo mukha mo! Tingnan mo nga, ni hindi mo naitanong ang pangalan niya!” Hinaltak niya ang scarf na nakasabit sa leeg nito saka ipinunas iyon sa bibig nito.

“Oh my! Why did you do that?”

“Laway mo kasi, tumutulo na. Diyan ka muna, ‘wag na ‘wag mo akong susundan!” Lumabas na siya ng opisina at naabutan niya roon ang isa sa mga nagma-may-ari ng mukha na laman ng panaginip niya at mga daydreams niya.

“Nello.” Humalik siya sa pisngi nito. “I didn’t expect to see you here.”

Tumawa ito. “Yeah, me too. I didn’t expect that I would be going here alone to see you.”

“Bakit ka nga ba napadalaw?” Saka lamang niya napansin na naroon sila sa labas ng opisina niya. Hindi nakaligtas sa mabilis niyang sulyap ang mga tinging puno ng paghanga na ipinupukol ng mga tauhan niya kay Nello. “Oh, my bad. Doon tayo mag-usap sa opisina ko.”

Nang makapasok sila sa opisina niya ay pinaalis niya roon ang tulalang si Dindi saka hinarap si Nello. “So, what brought you here?”

“I want to say that Nav’s going to Brazil tonight,” imporma nito.

“Iyon lang ang ipinunta mo rito?” hindi-makapaniwalang tanong niya. Bakit pa ito nag-aaksaya ng panahon para sa mga ganoong bagay? It is not as if she will chase his twin brother.

“Yes. Mag-usap sana kayo bago siya umalis.”

“Why? Wala na kaming dapat pag-usapan pa.”

“Marami. Pigilan mo siya dahil wala na siyang balak pa na umuwi ng Pilipinas.”

Kumabog ang dibdib niya sa narinig. Kung ganoon ay maaaring hindi na sila magkita pa kahit kailan. Hindi niya ipinahalata sa kaharap niya ang lungkot na lumukob sa kanya.

“Kung iyon lang ang ipinunta mo rito, I’m sorry pero wala na akong magagawa pa. He should go on with his life and I’ll go on with mine.”

“Makinig ka muna, please, Daniella. Saka mo sabihin kung dapat bang magkanya-kanya na kayo sa mga buhay niyo na wala ang isa’t-isa.”

I'd RatherWhere stories live. Discover now