Chapter 5

2.7K 70 0
                                    

Pinigil ni Dan ang sarili na tumakbo pabalik ng classroom nang makita niyang nakatambay sa corridor—at tapat na tapat pa sa pintuan—ang sigang si Brando. Nagsisisi siya dahil nakipagkuwentuhan pa siya sa kaklase niya at seatmate niyang si Lyn. Kung lumabas kaagad siya kasabay ng professor nila ay walang magagawa si Brando.

Hindi itinanggi nito ang malaking pagkagusto sa kanya. May itsura ito para sa kanya, kaso ay masyado itong pa-macho. Sa gym na yata ito nakatira kaya ganoon na lamang ang laki ng katawan nito. Isa pa ay hindi maganda ang record nito sa unibersidad dahil sa ang fraternity nito ang isa sa laging pasimuno ng mga away doon. Hindi pa lang natatanggal ito dahil mayaman ang pamilyang pinagmulan nito, at siguradong malaking halaga ang inilalabas ng mga magulang nito kapalit ng pagtatakip sa kalokohan ng anak. Ang mga nangangarap na maging queen bee ay halos lumuhod at maghubad na para lamang mapansin ni Brando.

Hindi ito nanliligaw sa kanya kaya hindi niya maitaboy ito. Tila kuntento na ito na maging malapit sila sa isa’t-isa at maihatid at masundo siya lagi. Namomroblema siya dahil hindi niya alam kung paano sasabihin dito na layuan na siya nito. Baka siya na ang sumunod na lumutang sa ilog kapag nagalit ito. Sayang ang kagandahan niya kapag nagkataon.

Agad itong tumayo ng tuwid nang makita siyang palabas ng silid-aralan. Ngingiti-ngiti ito. “Dan!” Kinawayan pa siya nito.

“Naku, Dan, ayan na naman ang Brando na ‘yan. Baka mangungulit na naman,” ani Lyn sa kanya.

Binulungan niya ito. “Ssh, ‘wag kang maingay. Baka ma-jombag ka niyan, sige ka.”

“Hmp. Ayoko talaga sa hilatsa iyan. ‘Wag mong kukuning date ‘yan sa acquaintance party, kundi, itatakwil kita,” banta nito.

“Oo na, tumahimik ka lang.” Ngumiti siya nang makalapit kay Brando. Nakasimangot naman si Lyn habang nasa tabi niya.

“Hi Brando. Anong ginagawa mo rito?” tanong niya. Hiling niya na sana ay hindi nito banggitin ang tungkol sa acquaintance party. Ayaw niyang layuan siya ng mga prospective acquaintances kapag ito ang kasama niya. Palagay niya ay wala ring makikipagsayaw sa kanya sa takot dito.

Napahawak ito sa batok. “Kasi, may sasabihin sana ako sa’yo. Is it okay if we discuss it over lunch?”

Siyempre ay hindi siya sasama rito. “Naku, may lakad kami nitong kaibigan ko. Ngayon mo na lang kaya sabihin?” Tiwala siya na hindi siya ilalaglag ni Lyn dahil ayaw nitong makasama niya si Brando.

“Itatanong ko sana kung may date ka na sa party natin. I mean, kung wala pa, ako na lang sana.”

Patay! Anong isasagot niya rito? Wala pa siyang ka-date, ngunit dapat siyang maghanap ngayon kung ayaw niyang makasama si Brando.

“May ka-date na siya,” ani Lyn kay Brando. Maranas siyang napabaling dito.

“May ka-date ka na, Dan?” pangungumpirma ni Brando. Itsurang nalugi ito. Naawa naman siyang bigla. Kahit siga ito ay hindi siya nito pinapakitaan ng masama.

Hinila siya ni Lyn. “Oo, Brando. Kaya ‘wag ka ng umasa pa. Maghanap ka ng iba diyan. ‘Di ba, marami kang chicks? Isa sa kanila ang yayain mo.”

“Hindi ikaw ang kinakausap ko,” asik ni Brando.

“Ganoon na rin ‘yon. Inaabala mo kami, in case you don’t know,” pagtataray ni Lyn dito. “Let’s do, Dan.”

Kinawayan niya si Brando. “Naku, Brando, I’m sorry.”

Tumango lamang si Brando saka tipid na ngumiti. Hiling niya na sana ay layuan na siya nito.

Naghiwalay na sila ni Lyn paglabas nila ng College of Arts. Siya ay sa gymnasium pupunta dahil naroon si Kass. May usapan sila na magkikita dahil hihiramin niya ang mga bagong fashion magazines nito. Nakalimutan na niyang itanong kay Lyn kung paano nito nagagawang sagut-sagutin si Brando ng ganoon na para bang close ang mga ito.

I'd RatherWhere stories live. Discover now