Chapter 3: Deadline

6.3K 126 1
                                    

"Baka naman kayong dalawang single lang din ang magkakatuluyan."

Biglang tumahimik ang lahat ng tao sa mesa sa sinabi ni Ruppert.

"Mga baliw! Your imagination is too wild, bro." Si Andrew ang bumasag sa katahimikan.

"Para kang timang, aba'y hindi naman kami talo niyang si Andrew. Sabi nga ni Mike puro trabaho at flirtings lang ang inaatupag ni Andrew kaya malabo pa sa tubig sa imburnal na magka-developan kami ng feelings." Sang-ayon ko.

Minsan talaga masyadong malikot ang isip nitong si Ruppert. Kadalasan ay mahilig sa pakwelang usapan pero minsan naman parang kambal ni Nicholas Sparks kung makapag-imbento ng love story sa imahinasyon niya.

Oo at inaamin ko na naging crush ko rin si Andrew no'ng college pero college pa 'yon at ang dami kong crush ng mga panahong 'yon. Madali kasi akong ma-attract sa mga magagandang tanawin. Pero habang tumatanda ay unti-unti ring naglalaho ang interest ko sa opposite sex. As of now, I have no one that I admired.

"Parang malabo nga dahil nasa Ilo-ilo naman 'tong si Chloe at tsaka wala naman silang feelings sa isa't-isa dahil kung meron man dapat sa tagal nating magkakaibigan ay sila na sana ngayon." Segunda ni Selene.

"Pero malay naman natin diba? Kami nga nitong mukhang kulangot na 'to, sino ba naman ang mag-aakala na magagayuma ako nito?" Pahayag ni Roxanne na ikinasimangot ni Kevin.

"Ako kaya ang ginayuma mo, pangit." Asar naman ni Kevin sa fiancée.

"Unggoy!" Ani Roxanne.

"Gorilla!" Asar naman ni Kevin.

Parang aso at pusa talaga ang dalawa. Kung mag-usap ay parang barkada lang at hindi mag-on. But I admire the kind of relationship they have. You can clearly see that they're very comfortable with each other that they can be so honest and frank in whatever they say. Pero hindi na kasali do'n ang pangpupula nila sa isa't-isa dahil puro pang-aasar lang naman ang sinasabi nila at hindi totoo.

Dahil sa asaran ni Roxanne at Kevin ay nawala na sa isipan nila ang sinabi ni Ruppert tungkol sa amin ni Andrew.

"Nag-aaway na naman ba kayo?" Bungad na tanong ni Andi nang makalapit sa mesa namin.

Karga niya si baby Aisha na agad namang kinuha ni Angela na napakahilig sa bata. Nasa likod naman ni Andi ang asawang si Kaizer na karga-karga ang panganay nila na si Keylan.

"Itong dalawa nagtatalo na naman kung sino ang mas pasado sa planet of the apes." Pagbibigay-alam ni Liam.

Agad pinukol ng mag-kasintahan ng matalim na tingin si Liam dahil sa sinabi niya. They are really the craziest and weirdiest couple I have ever encountered. When you look at them you won't believe that they're actually serious with their relationship. Pero seryoso talaga sila, magpapakasal na nga eh.

"If away nang away kayo ngayon pa lang, buti pa't maghiwalay na lang kayo at 'wag nang magpakasal." Biro na saad ni Mark.

"Uy, walang ganyanan, bro. Huwag mo namang iparinig kay Roxanne 'yan at baka magbago pa isip nito. Ikamamatay ko." Seryosong pahayag ni Kevin na halata mo namang sinasabayan lang si Mark.

"Shut up!" Suway ni Roxanne pero halata mo naman na kinikilig sa sinabi ni Kevin dahil sa pamumula ng mukha.

Natapos ang simpleng salu-salo ay nagsiuwian na rin ang mga bisita isa-isa. Dahil minsan lang naman mabuo ang barkada ay napagkasunduan namin na tumambay muna sa bahay nila Kaizer. Ang mga boys ay naisipang mag-beer samantalang kaming mga babae na hindi naman buntis at walang pinapa-dedeng anak ay nakisali naman sa inuman. Nilinis na rin ang mga mesa sa labas ng caterer kaya lipat kami sa loob ng bahay.

Trapped In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon