Chapter 30: Escape

5.1K 140 7
                                    

Posible nga kayang buntis ako kaya nilapitan ako ng bata? Ganon na ganon ang kwento sa akin ni Laureen kung paano niya nalaman na magkaka-anak na sila ni Liam. It was when her nephew became really attach with her all of a sudden kaya nagkahinala sila.

May paniniwala raw sa kanila na gano'n kaya agad siyang nagpa-check up at tama nga ang hinala ng pamilya niya na buntis siya.

Dahil sa hindi maipaliwanag na naramdaman ay agad akong tumayo sa mesa at umalis.

Ayaw kong pangunahan ako ng pag-iisip ng kung anu-ano pero alam ko sa sarili na malaki ang posibilidad na buntis ako. I and Andrew had countless unprotected sex. And I'm two weeks delayed, too.

Bago umuwi sa condo ay huminto ako sa isang botika at bumili ng PT. Tatlo ang binili ko rito na may iba't-ibang brand. Huminto rin ako ng may makita pang botika malapit lang sa condo at bumili ng dagdag na dalawa para sigurado.

A lot of sweat beads ran down my face as I waited for the result. I don't know if what kind of result I wanted. I can't choose with certainty if I wanted it to be negative or positive.

Malalim na paghinga ang ginawa ko habang tutok na tutok sa limang PT na sabay-sabay kong ginamit. Until red lines were slowly being seen on it.

All of them gave me the same result. There were exactly ten red lines, two lines in every PT. Two lines. Positive. I'm pregnant.

Hindi ko inasahan ang una kong ginawa matapos makita ang resulta. I cried. I cried while smiling.

I can't stop myself from crying while palming my flat stomach. But I was not crying for I was sad, I was crying because of too much happiness.

"I'm pregnant. I'm going to be a mother." Umiiyak habang nakangiti kong usal sa sarili.

Hindi ko inakala na magiging masaya pala ako sa katotohanan na tama ang aking hinala. Kung kanina ay panay kaba at hindi maipaliwanag na pakiramdam ang naramdam ko mula nang umalis ako sa fastfood restaurant, iba na ngayon. Masaya ako, sobrang saya.

Walang kasiguraduan kung pareho ba kami ni Andrew ng mararamdaman sakaling malaman niyang buntis ako. But I want to try, I want him to accept that we're going to be a parents.

Ramdam ko naman na kahit paano na mahalaga rin ako sa kanya, umaasa ako na matatanggap niya kaming mag-ina. Hindi man ako siguradong mahal niya ako ay gusto ko pa rin subukan. Baka sakali, baka sakaling maging masaya rin siya sa ibabalita ko.

Matapos humupa ng nag-uumapaw kong emosyon ay minabuti kong itago muna ang mga ginamit na PT. Lumabas ako ng banyo at isinilid ito sa maliit na compartment ng bag na ginagamit ko sa trabaho. Mahirap na at baka makita ni Andrew. Gusto ko na malaman niyang buntis ako dahil sinabi ko sa kanya at hindi dahil nadiskubre niya ang mga ito.

Alas nwebe na ng gabi at inaasahan kong darating si Andrew bandang alas-onse hanggang alas-dose ng hating gabi. Naligo ako dahil pinawisan ako nang husto kakasunod kanina kina Keylan at Aisha.

Dahil mahaba pa ang oras ay naisipan kong manood ng tv para hindi antukin agad. Gusto ko kasing hintayin si Andrew. I miss him so much. I wanted to see him before I sleep that night.

I was so engrossed in the film I was watching when I heard my cellphone ring. When I looked at the caller id, I saw that it's Andrew who's calling.

Maaga pa sa alas-kwatro ko itong sinagot nang buong kagalakan.

"Hello?" Masaya kong bati.

"You're still awake?" Tanong nito.

Napalingon ako sa orasan sa kaliwang dingding at nakitang sampung minuto na lang at maghahating-gabi na.

Trapped In (COMPLETED)Where stories live. Discover now