Chapter 34: Made Love

6.1K 140 4
                                    

Kulang na sabihin kong nagulat ako nang makita si Andrew sa labas ng tinutuluyan kong apartment. Hindi ko alam kung paano niya natunton ang pinagtataguan ko dahil wala namang nakaka-alam na may kakilala ako sa Davao.

Nang umalis ako ng Manila, naisipan kong pumunta ng Nueva Ecija kung nasaan ang mga kamag-anakan ko ngunit naisipang din na baka madali akong matunton ni Andrew. I also thought of Ilo-ilo but decided to reject the idea since he knew that I lived there for a long time.

I'm not expecting him to look for me though. Bakit naman niya ako hahanapin eh hindi niya naman ako mahal? But maybe I did it on hoping that he might look for me. I know its impossible but I still did it anyway.

Naisipan ko ang Davao dahil dalawang beses na rin akong nakapunta rito. The first time was when Andi, Selene and I got invited by Roxanne for a short vacation. Then the second time was because of a seminar.

Pero ang nagpatibay ng desisyon ko na dito pumunta ay ang katrabaho ko noong si Kaye. Alam ko kasi na no'ng umalis siya sa trabaho ay nanatili na siya sa Davao at nagtayo ng maliit na coffeeshop.

When I called her after I bought a new sim, she willingly told me to come in Davao and that I can stay for the meantime in their house. Pero ako na rin ang tumanggi, ayaw ko rin naman na makaistorbo pa sa kanilang mag-asawa. I stayed at the hotel for two days bago kami nakapaghanap ni Kaye ng apartment na pwede kong rentahan.

Walang nakakikilala kay Kaye sa barkada namin at kahit ang mga katrabaho ko noon sa Ilo-ilo ay hindi gaanong naabutan si Kaye noong nagtatrabaho pa ito.

Naging malapit kami kahit na apat na buwan lang kaming nagkasama sa trabaho dahil sa kapwa namin pagkahilig sa jujitsu at flying yoga.

Kaya nga hindi ko inasahan na mahahanap ako ni Andrew nang gano'n lang kadali. Anim na araw pa lamang ang lumipas magmula nang umalis ako. Hindi ko tuloy maiwasan umasa na baka hinanap nga niya ako, na baka nga nalungkot din siya sa pag-alis ko.

But the scene which is the reason why I left, flashed back on my mind like a thunderbolt.

Agad ko siyang tinulak gamit ang aking buong lakas.

No, hindi ako dapat umasa. Kaibigan lang ang tingin niya sa akin at baka nag-aalala lang siya bilang kaibigan. He didn't need to rub it on my face. I won't let him hurt me again by hearing his concern being just a friend.

Tinakbo ko ang hindi kalakihang distansya ng aming kinatatayuan patungo sa aking nirerentahang apartment. Ngunit nagulat ako nang paglingon ko upang sana ay sarhan ang pinto ay nasa loob na rin pala siya. At siya pa mismo ang nagsara ng pinto nito.

Kahit nagulat at kinabahan ako sa ginawa niya ay ibinalik ko agad ang walang ekspresyon kong mukha. I don't want him to read what's on my mind through my face.

Muntik na akong bumigay nang yakapin niya ako nang napakahigpit at sinabi kung gaano niya ako ka-miss. But I castigated myself, hindi na ako dapat magpadala sa emosyon. Hindi na lang ako ito, may batang masasaktan kung sakali. Ayaw kong mamulat sa mundo ang anak ko sa isang pamilyang binuo hindi ng pagmamahal kundi sa responsibilidad lang.

I talked to him indifferently. I wanted him to feel that I'm not happy of his presence even an inch.

Ngunit kung nagulat man ako kanina nang makita siya sa labas ng aking tinutuluyan ay mas higit na gulat at pagkabigla ang naramdaman ko nang makita siyang lumuhod sa'king harapan.

No, not Andrew. It's impossible! Sino ako para luhuran niya nang ganyan? No, no, no. Kahibangan 'tong nakikita ko ngayon.

Pero kahit anong tanggi ko sa sarili sa nakikita ay hindi nito maipagkakaila na totoo ngang nakaluhod siya. Hindi ko alam pero parang pinipiga ang puso ko sa nasaksihan.

Trapped In (COMPLETED)Where stories live. Discover now