Chapter©2

2.8K 78 1
                                    

°A L E X I S°

Ngayon ang unang pasukan namin sa Park University bilang mga Grade 12 senior high. Isang taon nalang at gagraduate na kami ng highschool. Buti na nga lang at hindi nila ako pinaulit ng junior highschool eh.

"Guys omyghoood im so excited na look oh engende ke keye" malakas na sigaw ni Kyla habang bumababa ng hagdan. Minsan nga nagtataka ako bakit kailangan pa nyang tabingihin yung pananalita nya? Hindi ko tuloy maintindihan kung minsan.

Ganun din sa nga napapanuod kung palabas pag kinikilig sila natatabingi na yung pananalita nila o kaya makakita lang ng gwapo nagiging pabebe na mamaya gwapo nga pero tambay lang pala sa kanto. Psshh aanhin mo naman ang pan labas nyang anyo kung hindi ka naman nya kayang pakainin ano? Gusto ma ba yun? Haaaay.

Mga kabataan nga naman ngayon puro panlabas na anyo ang pinapansin pero utak di man lang pansinin kung may laman ba o wala? Ginagamit pa ba o hindi na?

"Tss maganda ka dyan, fyi kilay mong mataray pare pareho lang po tayo ng suot mukha, ayos ng buhok lang ang pinagkaiba nating apat" kontra ni Anne habang sinusuklay ang kanyang buhok.

"Kaya nga, magkakaiba tayo ng mukha kaya fyi mukha mong walang kulay MAGANDA AKO!" Hirit pa ni Kyla, at diniinan pa talaga ang salitang 'maganda ako'

"Tsk!tsk! So ano gusto mong palabsin ngayon? Na hindi kami maganda?" Mataray na tanong ni Anne habang nakataas ang isa nyang kilay.

"Eh wag mo nga silang idamay tayong dalawa lang kaya nag dedebate dito. Saka nasa saiyo na iyon maganda ka o hindi. Try mong manalamin tapos kung ano nakita mo ede iyon ang resulta kung maganda ka nga ba o hindi" nakangising sabi ni Kyla.

"Tsk! Wala namang taong pangit*roll eyes*" nakairap na sabi ni Anne. "Tao ka nga ba?" Mapanuyang tanong no Kyla.

"Abat----"sasagot pa sana si Anne pero bigla namang sumingit si Amber na kanina pa nakatingin ng masama sa kanilang dalawa.

"Tama na nga yan! Pumasok na tayo! Wala namang mangyayaring maganda pag ipinagpatuloy nyo pa yang pagsusumbatan nyo. Ikagaganda nyo ba yan?!!" Medyo galit at pasigaw na sabi ni Amber. Natahimik naman ang dalawa at napayuko nalang.

Nauna na akong lumabas ng pinto at ramdam ko namang sumunod nalang sila. At dahil mukhang wala namang balak ang mga kasama kung mag drive ay ako nalang ang nagdrive.

-

Tahimik parin ang tatlo nang makarating kami sa University. Nagbabasa ng libro si Amber habang si Anne ay may kinakalikot sa Cp nya. Si Kyla naman nakatingin lang sa kung saan.

Ako kinakabisa ang aming schedule since magkakaklase naman kami. "Saan ang first subject natin?" Tanong ni Kyla na bumasag ng katahimikang namamagitan saaming apat kanina.

"Sa Room 4 ng science building"  sagot ko habang nakatingin parin sa coupon kung saan nakasulat ang aming schedule.

"Wait tignan mo girl oh? Diba sila ang Black Butterfly group sa bistro kagabi?"

"Oo nga no? Anggagaling kaya nila!"

"Wow dito pala sila nag aaral anong year na kaya sila?"

"Oy pare diba sila ang Black Butterfly anggaganda nila ano? Ligawan kaya natin?"

"Sana kaklase ko sila!"

Samut saring tinig ang naririnig ko. Si Anne at Kyla naman abot langit ang ngiti dahil siguro sa narinig nila. Habang si Amber naman ay tila walang paki alam nakatutuk parin ang kanyang mga mata sa librong kanina nya pa binabasa.

Nang makarating kami sa aming room ay biglang natahimik ang kaninang maingay ma stuyante. Nagbulungbulungan pa ang ilan na tila mga bubuyug na nakakita ng magandang bulaklak.

Nagkibit balikat nalang ako at dumiretso na sa upuan. Ganun din naman ang ginawa ng mga kasama ko. Dahil wala pa naman ang profesor namin eh nagmistulang palingke ang room namin. Daldalan dito daldalan duon. Maliban nalang kay Amber na tahimik paring nagbabasa.

Ako naman ay tahimik lang na pinagmamasdan ang mga kaklase ko na busy nga sa pagdadaldalan. Hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok dun ang di naman gaanong katandahang lalake.

May suot itong salamin at medyo kulang na ang mga buhok sa tuktuk. Ngumiti ito at binati kami. "Magandang umaga!" Masiglang bati nito.

"Magandang umaga din sir!" Balik bati namin. "Maganda ang araw ngayon ah. OK since new semester nanaman. Bagong klase nanaman. Bagong pagmumukha nanaman. So getting to know each other muna tayo , pagkatapos nun pwede nyo ng gawin ang gusto nyo OK?" Paliwanag nito na ikinahiyaw ng buong klase.

"Sige ako na ang maguumpisa. My name is Hernesto D. Makulangan. I'm 52 yrs old. Your Teacher in Filipino at the same time your Advisor. " Pakilala ni Sir. Sumunod naman ang babae sa pinakaharap.

Sa unang tingin masasabi mong mababait ang mga kaklase ko. Pero pag nagtagal na lalabas at lalabas na yung tunay nilang kulay.

"My name is Bea Villanda. I'm 17 yrs old pleased to meet you all!" Nakangiting bati ni Bea. Sunod namang tumayo si Anne .

"Hi! I'm Anne Villafuerte. 17 yrs old nice to meet you all!" Bati nya saka agad na bumlik sa kanyang upuan. Ganyan yan sa first day eh mahiyain pero pag nagtagal na baliw pa yan sa baliw at mas maingay pa yan sa sirang plaka.

Sunod naman ay si Kyla na happy go lucky at fashionista. "Annyeong! I'm Kyla Lee I'm half korean and half filipino. 17 yrs of age. Nice to meet you!" Pakilala nito."and btw im single!" Pahabol pa nito na ikinatawa ng mga kaklase ko.

Sunod naman ay si Amber. "Amber Lopez 18 yrs old" maikling pakilala nya saka bumalik na sa upuan nya. Hindi ko alam kung talagang maikli lang magsalita si Amber oh mahiyain.

Ay ako na pala susunod tumayo na ako at nagpunta na sa harap. " Good morning I'm Alexis Lopez I'm 17 yrs old pleased to meet you all" pakilala ko. Nagtataka siguro kayo kung bakit pareho kami ni Amber ng apilyedo ano?

Eh kasi sya ang pinaka close ko sa grupo kaya yung apilyedo nalang nya ang ginamit ko since wala syang kapatid. Si Amber din ang pinka matanda saaming lima ng isang taon. Pero hindi ako sure kung 17 na ba talaga ako.

*******

Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon