Chapter©11

1.7K 66 0
                                    

°A L E X I S°

Nandito kami ngayon sa infirmary hinihintay na magising si Anne. Sabi ng healer. Hindi daw nila kayang tanggalin ang Asthma nya. Antayin nalang daw naming bumalik ang Legendary Princess soon to be Queen. Yun ay kung babalik pa daw sila.

Sya lang daw ang may kakayahang tanggalin ang sakit ni Anne. At sana nga bumalik pa dito ang Legendary Princess para mawala na ang iniindang sakit ni Anne. Para maranasan nya ring maging normal. Hindi kasi sya masyadong nakakapagsaya dahil mabilis syang mapagod.

"Lex bili muna tayo ng pagkain natin. Para pag nagising si Anne may makain na agad sya." Aya ni Amber. Talagang nakakapanibago ay aura nya. Hindi na sya masyadong tahimik.

Ngumingiti narin sya hindi katulad dati na hindi sya makangitingiti at halos ayaw nyang magsalita. Tumango nalang ako at tumayo na. Sabay kaming naglakad papuntang Cafeteria. Lahat ng nadadaanan namin napapatingin saamin. Lagi naman.

Nung makarating kami dun ay umorder na kami ng mga pagkain. Yung sakto lang naman saamin. Pagbalik namin sa infirmary saktong gising na din si Anne. "Ayos na ba ang pakiramdam mo Anne?" Tanong ni Amber habang inilalapag ang mga binili naming pagkain.

"Oo ayos na ako." Sagot naman nya. Napagpasyahan naming dito nalang kumain sa infirmary kaya sabay sabay kaming kumain.

Nung matapos na kaming kumain ay umalis na din kami agad. Hindi na kami pumasok dahil alas tres na ng hapon. Last subject na namin panigurado.

"Grrr nakakainis talaga yung mga babaeng empakta na yun pag natuklasan ko na talaga yung majika ko lagot sakin ang mga impaktang yun" nanggiggigil na sabi ni Kyla. "Saka ka nalang gumanti pag nagkaroon ka na ng mahika" seryosong sabi ni Amber. Hindi nalang umimik sa Kyla.

°A M B E R°

May bago akong natuklasan sa kakayahan ko. Kaya ko ding maging invisible, at kaya kung magteleport. Ngayon ako muna ang gaganti. Alam kung masama ang gumanti dahil wala itong maidudulot na mabuti. Pero gusto ko lang talagang turuan ng lection yung mga babaeng yun sumusobra na sila.

Tulog na ang apat, tulog na rin ang lahat, kaya naman nagteleport ako sa dorm ng rainbow squad. Bagay sakanila ang pangalang rainbow squad dahil ibat iba ang kulay ng mga buhok nila.

Ano naman kaya ang pwede kung gawin sakanila?..........

*Ting*

Alam ko na. Napangisi nalang ako bago magteleport pabalik sa dorm namin. Siguro sapat na yung ginawa ko sakanila.

Nung makabalik ako sa dorm namin ay ramdam ko ang panghihina. Siguro mabalis talaga maubos ang inerhiya ko dahil wala pa akong sapat na training.

Bumagsak nalang ako sa sahig dahil hindi ko na kayang humakbang pa.

°A T E  M°

Sa mga Guardians naman tayo. Kakaiba ang nararamdaman ni Grey ngayon. Tulog na ang mga kasamahan nya pero sya nanatili paring gising.

Kaya naman napagpasyahan nyang lumabas  muna sa dorm. Naglibotlibot sya hanggang sa makarating sya sa dorm ng mga bagong transfery. Pero hindi nya yun alam.

Meron syang nararamdaman na enerhiya. Enerhiyang masarap sa pakiramdam pero nanghihina. Maging sya ang naapektuhan ng panghihinang iyon.

Nagteleport sya kung saan nya nararamdaman ang enerhiyang yun. At dinala sya sa isang kwarto. Inilibot nya ang kanyang tingin hanggang sa mapako ang kanyang tingin sa isang babaeng nakahiga sa sahig at payapang natutulog.

"Ano naman kayang naisipan ng babaeng to at dito natulog sa sahig?" Sa isip isip ni Grey at inakay ang babae saka dahan dahang inihiga sa kama. Isang dakilang play boy si Grey pero hindi pumasok sa utak nya sa mga oras na yun na paglaruan ang babaeng nasa harapan nya.

Sa halip ay masaya sya dahil alam nyang sya na. Alam nyang sya ang mate nya. Ang patunay ay ang markang nasa gitnang daliri nya kulay indigo ang marka at nagmistulang singsing. Ganun din ang nasa gitnang daliri ng babaeng nasa harap nya. Pero hindi na muna nya sasabihin dito. Hindi na muna nya sasabihin sa kapwa nya guardians para patas.

____

Kinaumagahan nagising nalang si Amber na nasa higaan nya. "Sa pagkakaalam ko sa sahig ako bumagsak kagabi? Paano naman ako nakapunta dito sa kama?" Tanong ni Amber sa kanyang isip.

Nagkibit balikat nalang ito at nagpunta na sa CR para gawin ang kanyang morning rituals. Napatingin sya sa middle finger nya dahil may markang kulay indigo na nagmistulang singsing. Kakaiba ang pakiramdam nya sa markang iyon. Pero ipinagsawalang bahala nalang nya dahil hindi naman masakit o kung anuman.

Sa kabilang dorm naman kung saan ang dorm ng mga Guardians ay maganda ang gising ni Grey. Kung dati medyo mainitin ang ulo nito medyo nabawasan na ng konte.

"Oy Grey maganda yata ang gising mo ngayon ah! Siguro naka chamba ka ng chiks no" nakangiting sabi ni Jerson. "G@g0!" Bulyaw ni Grey dito. Tumawa lang si Jerson.

"Tara na kain na tayo!" Aya ni Macky. Nagsisunod naman ang mga ito. Pagkarating nila sa Cafeteria ay todo tili ang mga kababaihan. Todo kaway lang si Macky at Jerson. Ngumiti lang si Sean sa mga ito. At si Grey nman ay kumikindat sa mga magagandang mga babaeng nakikita nya.

At si Zach ay nanatili paring blangko ang reaksyon at walang kaimik imik. Maya maya pay nagsisulputan ang mga linta--este ang mga rainbow squad na tinatawag ni Amber.

Putlang putla ang mga ito at hindi maibuka ang kanilang mga bibig. Kahit gustong gusto nilang tumili ay hindi nila magawa. "Anong nagyari sa inyo?" Kunot noong tanong ni Sean? Itinuro naman ni Tracy ang kanyang mga bunganga na hindi nya maibuka.

"Anong meron sa bunganga mo?" Kunot noong tanong ni Sean. Magpapadyak lang si Tracy at halos maiyak na.

"Bili lang kami ng makakain" paalam ni Macky sa mga ito. Tumango lang ang mga rainbow squad dahil hindi nga nila maibuka ang bibig nila.

Saktong dumating naman sila Alexis at nagpunta din sila sa may counter. Pagtataka ang nasa itsura nila dahil tumabi ang mga kanina lang ay nakapila dahil sa mga lalaking nasa unahan nila.

Napatakip naman ng bunganga si Amber ng makita ang rainbow squad na parang natatae na ewan. Gusto nyang matawa sa itsura nila pero pinipigilan nya. Baka mabisto pa sya ng mga ito.

"Kayo ang mga bagong studyante diba?" Nakangiting tanong ni Macky nung matapos syang mag order ng sandamakmak na pagkain nya.

Tumaas naman ang kilay ni Kyla. "Oo, may problema ba?" Mataray nyang tanong. Naiinis kasi sya sa prisensya ng lalaki.

"Wala naman hehehe" sagot naman ni Macky saka pilit na tumawa at dali daling umupo sa may table nila.

Napairap nalang si Kyla at umorder na din sila ng pagkain nila.

"Ang wiwierd naman nila"pansin ni Bea habang nakatingin parin sa limang lalaki. "Ayun nanaman yung limang clown oh"sabi ulit ni Bea saka itinuro nya kung saan nakaupo ang clown na sinasabi nya.

"Mime kamo" Natatawang sabi ni Amber. "Hayaan nyo na sila baka tayo nanaman ang mapansin nila malalagot na talaga" sabi ni Kyla.

**********

Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon