Chapter©44

1.8K 55 4
                                    

° ❤ °
Labis na nagtaka si Zach dahil hindi niya nakita si Alexis buong maghapon. At naisip niya baka nagpapahinga pa ito.

Naisipan niyang puntahan ito sa dorm niya at ayaing magpunta sa tirahan ni Jr.

Ngunit nakaka ilang kalabog na siya sa pinto ng dorm ni Alexis ay wala siyang nakuhang sagot.

Agad siyang nagpunta sa HM' s office at humingi ng duplicate ng susi sa dorm ni Alexis.

Pagkabukas niya ng pinto ay sumalubong sakaniya ang malamig na hangin na galing sa nakabukas na bintana.

Magulo ang kobre kama at mga gamit sa kwarto. Halatang hindi pa nag aayos si Alexis. Kinatok niya ang banyo pero wala siyang nakuhang sagot kaya binuksan niya ito. Wala siyang Alexis na nakita.

Naroon ang gamit niya ngunit wala siya.

"Where is that girl?" Tanong niya sakaniyang sarili.

Nilibot niya ang buong Academia nagbabakasakaling naglibot libot lang ang dalaga, ngunit ni anino ay wala siyang nakita.

Nakita niya sa park sila Amber na masayang nagkukwentuhan kaya agad siyang lumapit dito.

"Did you see her?" Agad na tanong niya pagkalapit niya sa pwesto ng mga ito.

"Who?" Kunot noong tanong ni Jason.

"Alexis. Wala siya sa dorm niya at sa buong Academy." Sagot niya. Nagtaka silang lahat at tumulong sa paghahanap.

"Damn! Where are you? You'd promise me that you won't leave me, and now where are you Alexis?"

°A L E X I S°

*Sniff* ang bango naman dito amoy bulaklak. Wala namang bulaklak sa kwarto ko eh.

Tapos ang lambot lambot ng kama. Sa pagkaka alam ko katamtaman lang ang lambot ng kama ko.

Tapos malamig din. May snow? Eh sa pagkaka alam ko summer na.

Hindi eh may hangin, naisara ko kaya 'yong bintana at hindi ko sinwitch 'yong electricfan o 'yong aircon.

Nagmulat ako ng mata, sobrang liwanag kaya napapikit ulit ako. Dahan dahan akong dumilat hanggang sa maka adjust na ang mga mata ko sa liwanag.

Kinabahan ako nang makitang nasa ibang lugar ako. Wala ako sa kwarto ko at lalong wala ako sa Academy. Nasaan ako?

Maraming halaman at itong kubong hinihigaan ko ay gawa sa kawayan. Napapalibutan din ito ng mga mabulaklaking halaman.

Sa di kalayuan ay may matatanaw kang sapa na talagang napaka gandang tignan dahil sa linaw ng tubig.

Angganda ng lugar na 'to at napakapayapa. Nasaan ako?

Tumayo ako at naglakadlakad hanggang sa makakita ako ng puno, berdeng berde ang kumikinang na dahon nito. Kulay pula ang mala gumamamela nitong bulaklak.

"Gising ka na pala..........Akemi."

Halos mapalundag naman ako sa gulat nang may marinig akong nagsalita.

"S-sino ka?! Magpakita ka!! Hindi ako natatakot sayo!!" Buong lakas na sabi ko.

Nakarinig ako nang mahinhing pagtawa.

"Aba! Wag kang tumawa diyan lumabas ka!!" Sigaw ko pa.

"Hindi ako kalaban, tumingin ka sa taas........Akemi." tumingin nga ako sa taas.

Isang babae--mali diwata, ang ganda niya sobra. Kulay berde ang mahabang damit niya, may korona siyang gawa sa mga puting bulaklak. Kulay brown ang umaalon alon niyang buhok.

Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon