Chapter©32

1.5K 60 1
                                    

°A L E X I S°

"Una na muna ako." Paalam ko. Tumango lang ito. "Basta dito ako matutulog hah" sabi ko.

"Yeah. Wag mong tatanggalin yang ribbon mo na yan. " Bilin n'ya. "Bakit, ano ba meron dito?" Kunot noong tanong ko. "Basta wag ka nang magtanong basta wag mo nalang yan tangalin." Sabi nito.

Tumango nalang ako at umalis na. Habang naglalakad ako sa corridor ng dorm ay tanaw ko sila Fiona na nag aabang sa labas ng dorm ko kaya napatakbo ako papalapit sakanila.

"Ay gurlalo saan ka ba galing kanina pa kami katok ng katok?" Maarteng tanong ni Armanda. "Ahe pasensya na may pinuntahan lang" nahihiyang sabi ko.

Binuksan ko na ang pinto at pumasok na kami. "Wow kaya pala wala ka sa dorm naghanap ka pala ng ka date" sabi ni Xander na ikinagulat ko.

"Huh?! Ka date?!" Clue less na tanong ko. "Duh ayan oh. Yung ribbon mo sa kamay ang patunay na may ka date ka na. Kapag sinuotan ka ng isang lalaki ng ribbon ibig sabihin ikaw ang kadate n'ya at s'ya ang ka date mo!" Masungit na sabi ni April.

Napatulala naman ako. Ibig sabihin si Zach o Apoy ang kadate ko? Kaya pala ayaw n'yang patanggal ito? "Hoy Alexis sino bang nagbigay sayo n'yan?" Tanong ni Fiona.

Sasabihin ko ba? Bahala na. "Si Apoy- este si Zach" sabi ko at naupo sa kama. "Hahahahahaha ang taas ng pangarap mo girl" natatawang sabi ni April.

"Weeeh?! Isang Guardian ang nagbigay n'yang sayo?! Gumising ka nga!" Dag dag naman ni Armanda. "Ede wag kayong maniwala" asar na sabi ko.

"Oo na oo na. Maligo ka na't aayusan ka na namin para kapag nakita ka ni Zach mamaya ay mainlababo yun" natatawang sabi ni Fiona sabay tulak saakin sa banyo.

"Sira talaga kayo. May mate kaya yun" rinig kung sabi ni Laura. Parang may pumiga sa puso ko nang marinig ko 'yun hindi ko alam kung bakit.

Pagkatapos kung maligo inayusan na nila ako. Si Fiona ang nag asikaso sa buhok ko samantalang si Armanda naman sa mukha ko. Hindi ako nagpalagay nang kung ano mang kulorete sa mukha ko. Lip gloss lang at foundation tapos manipis na blush on.

"Ayan tapos na isuot mo na yung gown mo" utos ni Armanda at itinulak ako sa banyo. Kulay sky blue ang damit ko. Loong sleeve s'ya na fitted tapos yung pangbaba n'ya is hindi masyadong mabukadkad. Maraming parang snow flakes sa may sayad. Parang ganon kay Elsa? Pero parang ganon kay Anna yung korte.

"Perfect!" Pilantik ni Armanda pagkalabas ko ng banyo suot ang gown. "Isuot mo na yung coat mo terno naman eh, oh" sabi ni Fiona sabay abot saakin ng coat ko.

Isinuot ko na yun at lumabas na kami. "Salamat" bulong ko sapat lang na marinig nila. "Ay walang anuman yun. Anupa't naging magkaibigan tayo diba" sagot ni Fiona. Nginitian ko lang sila.

Pagkarating namin sa wide space ay may mga lamesa duon. Marami naring istudyante na nandito, suot suot ang mga magagarang damit nila.

"Alexis maiwan ka na namin hah" paalam nila. Tumango nalang ako. Ano nang gagawin ko dito? Napaigtad naman ako ng may kumuha sa kamay ko at isinabit n'ya ito sa braso n'ya. Si Apoy lang pala. Ang gwa--- nevermind. Ang ganda ko lang!

"Ang pangit mo talaga" nakangising sabi n'ya sabay kurot sa ilong ko. "Aba kung pangit ako ano ka pa kaya?" Pabalang na tanong ko. Inirapan lang ako nito at iginaya ako papalapit sa isang lamesa.

Nakasuot s'ya ng itim na tuxedo tapos yung necktie niya sky blue.

"Good evening Charmers!!" Sigaw ng mc sa stage kaya nabaling ang lahat ng atensyon dito.

Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon