Chapter 3: Bittersweet Truth

4 0 0
                                    

Alondra's POV

Tuluyan nang nakatakas sila Ivy at Night.

Gulong gulo pa rin ang isipan ko. Para bang nag kaka-amnesia ako. Ewan ko, sobrang gulo talaga.

"Alondra. Ayos ka lang?" Tita Janet asked while walking towards me.

"Ikaw..."Tumingin si Aubrey kay Tita. "Ikaw yung isa pang magus." Seryoso ang mukha nilang dalawa.

"Magus?" Nagtinginan silang tatlo sakin. "Okay, tita, did you plan all this? Sino yung mga yun? Is this some kind of show? Can you please tell me because I have no freaking idea what is happening here!" Hindi ko sinasadya pero tumaas ang boses ko."Sorry tita."Nadadala lang kasi ako ng emosyon ko.

She looked at me teary eyed. "It's not my doing Alondra, it's not even part of my plan."

"Then what is this?" I asked desperate to be answered.

"Magic"

I heard what Aubrey said kaya naman napaharap ako sa kanya. "Magic? Oh wow., grabe kayo nice show!" I said sarcastically.

"No Alondra what she is telling you is the truth. Akala namin hindi na darating ang araw na malalaman mo ito. Pero gaya nga ng sabi ni Ate, mangyayari ito." Nagulat ako kasi kahit si tita ay nagsasabing totoo ito.

"Oh come on stop foo-"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang ilagay ni Hanz ang kamay niya malapit sa harap ko, at biglang nagkaroon ng apoy doon. Tinignan ko siya, nilapit ko ang mga kamay ko. At totoo nga , mainit kahit malayo pa lang.

Naguguluhan man ako, ay pinili kong tumayo at tanungin sila."Pero paano??"

"Hindi dito Alondra." Napatingin ako kay Tita, "Kailangan nating pag-usapan ito sa konti lang ang tao."

------

Umalis na kami ng venue at umuwi na sa bahay namin. The ride on the way to our house was awkward. No one wants to break the silence.

Nang makarating nakami, pinark na ni Tita yung kotse sa garahe.

Tapos isa-isa na kaming pumasok ng bahay.

Lahat kami ay dumiretso na salas. Hanggang ngayon ay napaka awkward parin ang atmosphere. So I guess I should be the one to break it.

"Well, we're in a private place now, you can explain everything now." Looked at Tita then to Hanz and Aubrey then back to Tita.

"San ko ba sisimulan...." She started while staring directly at me." Ang tunay na mundo Alondra ay malayong malayo sa mundong kinagisnan mo. Hindi lamang mga normal na tao ang nakatira sa mundong ito. Sisimulan ko ito sa pagsasabi sayo ng katotohanan. Hindi ka normal na tao Alondra. Isang kang magus."

"Magus?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Mga taong may kapangyarihan...." Si Aubrey naman ang sumagot. " Bawat isang magus ay may kakayahan. Every individual is unique. Dahil iba iba ang kapangyarihang taglay ng bawat isa. Gaya ko, I have super senses, I can see, smell, hear, or feel anything with a one hundred meter radius. At isa pa, I'm a radar. Kaya kong makaramdam ng presensya ng iba pang magis with a one kilometer radius."

Kaya pala. Kapag naglalaro kaming hide and seek, lagi niya akong nahahanap. "Pero bakit niyo itinago sakin? Ikaw tita, isa ka rin bang magus?"

Tita approached then hold my hands. "To keep you safe anak. Hindi ka isang pangkaraniwang magus lang. Isa ka sa mga Elementals." Sinagot niya yung una kong tanong pero alam kong sinadyang hindi niya sagutin ang pangalawa.

"To keep me safe?" Hindi ko alam pero bakit sa tuwing nasasagot ang mga tanong ko, laging magkakaroon nanaman ng bagong tanong.

"Naaalala mo yung dalawa kanina?" Tumingin kaming tatlo kay Hanz. Naglalakad lakad siya habang nagsasalita siya." Sina Ivy at Zed, galing sa Noxus. Isang parte ng Magic world. Sa noxus, may mga tao doon na gusto tayong kunin."

Magus: The Gems Of CreationWhere stories live. Discover now