Chapter 6: Aim and Shoot

1 0 0
                                    

Alondra's POV

"Dito lang kayo, hindi kayo pwedeng umalis until four pm. Behave and nothing will be wrong." Miss Serena said in a straight face. Tapos noon ay tumitig siya sakin at umalis.

Hindi ako mapakali sa titig niya. But I cannot blame her. Wala pa nga akong isang araw na namamalagi dito, I already made a scene.

"This is your fault."

Napatingin ako kay Julita. Ano bang problema nito?

"Julia ano ba? Kung may problema ka sakin, ako na lang ang kausapin mo. Wag mo ng idamay si Alondra dito." Sabi ni Hanz na ngayon ay tumayo malapit sa pinto na naka crossed arms.

"Alondra... hmmm Alondra pala ang pangalan ng babaeng ipinalit mo sa akin."

"Teka, teka nga! Kung may problema kayong dalawa, please lang. Huwag niyo na akong idamay." Iritable kong sabi sa kanila.

"Sa ayaw at sa gusto mo, you're involve here. Niloko ako nito ni Hanz, pinagpalit niya ako sayo. Sa isang cheap at mah-" Hindi na natapos ni Julia ang sasabihin niya ng biglang sumigaw si Hanz.

"JULIA ANO BA?!" Nakita kong napadilat si Julia. Nakakatakot ang mukha ni Hanz, pati na rin ang boses nito.

"Hindi kita niloko. Alam mo yun. Pero bakit mo pinipigilan mo akong maging masaya? Hindi mo ba naiintindihan, ayoko na sayo." Mukhang naiiyak na si Hanz pero pinipigilan niya. Nakita ko ding naluluha na si Julia.

"Nag bago ka kasi. Hindi na ikaw ang Juliang nakilala ko. Hindi na ikaw yung malambing. Hindi na ikaw yung mabait at generous. Hindi na ikaw yung laging pumipigil sa akin makipag away. The system is eating you. Dahil sa fame at attention nag iba ka Julia. Hindi na ikaw yung Juliang, yung Juliang minahal ko!" Sumabog na ang luha mula sa mga mata ni Hanz.

"Kaya please lang Julia, tama na. Huwag mo ng guluhin pa si Alondra."

Nakita kong hinahabol ni Julia ang hininga niya dahil sa pag-iyak. "I cant, I cant take this anymore." Tumakbo si Julia palabas ng kwarto at padabog na sinara ang pinto. Kaya naman naiwan kami ni Hanz sa loob.

"Sorry you have to see that. Now if you would excuse me." Pinunasan niya ang mga luha niya tapos ay lumabas din ng kwarto.

Naiwan akong gulong gulo ang isip. So ganun pala ang nangyari sa kanilang dalawa. Siguro tama din na nangyari ito. At least nagkaroon sila ng closure. Naiintidihan ko si Julia, pero hindi ko din naman masisisi si Hanz.

Unti-unting nag sisink in sa utak ko lahat ngnangyari. Wait. Diba sabi ni Miss Serena na manatili lang kami dito? Hala patay tayo jan.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa lamesang malapit sa akin. Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa orasan. four thirty na. So siguro pwede na akong lumabas.

Nagdadalawang isip ako kung hahawakan ko ba ang knob. Malay niyo kasi biglang ma-electrecute ako haha. Hinawakan ko ito pero wala namang nangyari. So lumabas na ako at tinungo ang kwarto namin.

Pumasok ako sa loob at ginawa ang mga usual things na ginagawa ko. Di ko napansin ang oras at Seven twenty na pala. Kanina kasi inaya nila ako na kumain, pero sabi ko susunod na lang ako since I'm not done reading the story "Anastaqia."

Tumayo na ako then nilagay yung libro sa book shelf. Tapos ay pumunta na ako sa dining area. There, I saw Tita, Aubrey and Hanz together. At from the looks of it, they saved a seat for me. So lumapit ako at umupo.

Tapos nuon ay kumain na ako. Masaya kaming nag kekwentuhan nang biglang may dumating na isang lalaki at tumapat sa table namin. "Miss Janet Uzon, pinapatawag po kayo ng Headmistress."

Magus: The Gems Of CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon