Chapter 11: Attack on the Institute

1 0 0
                                    

Author's Note

Hi guys!! Ngayon lang ako naglagay ng note sa unahan, at ang reason ko,

Gusto ko lang. Bakita ba? Hahahaha. Dejoke. Gusto ko lang kasing sabihin na Yung name na Magic Match, wala na akong maisip na mas maganda. May naisip man ako, which is the 'Mystic Games', tinamad na akong iedit hahaha.

So kung ayaw nyo ng Match, pakamatay na kayo hahaha joke. Kung may naiisip kayong better name, pm or comment it. At pag nagustuhan ko, ieedit ko yung chapter at idededicate ko pa yung chapter para sa inyo :) ;)

So ayun lang guys

ay de joke lang pala xD
From now on, maglalagay din ako ng mga trivia, about sa character, sa story at sa buhay ko na somehow related sa topic. Pagtrip ko din hahaha. So lemme start with this one.

Trivia: Si Alondra na siyang ating bida sa librong ito, ay kakilala ko. I can't say na kaibigan kasi, girlfriend lang naman siya ng kaklase ko. So hindi kami close. Pero mabait siya :)

And alam niyo ba kung anong pangalan ng kaklase ko? Hanz din XD hahaha napagtripan lang hahah sornapo.

So that's all.

Adios majis!
----------

Alondra's POV

"Oh Alondra. Long time no see."

At biglang bumukas ang ilaw.

Napatingin ako sa paligid ko. Then nakita ko si Night. I can see his deadly glare.

Sandali lang. Parang..... parang nakita ko na to. Isip Alondra, isip.

TAMA! Yung panaginip ko. Ganitong ganito yung panaginip ko.

I looked at the surrounding. Basang lupa, natutunaw na yelo, at si Julia na katabi ko.

Itong ito ang panaginip ko.

Tinitigan ko si Night at kitang nagpakawala na siya ng mga shadows from his hands.

And he leaps onto me.

Hindi ako makagalaw. Parang hindi ko makontrol ang sarili ko.

Papalapit na siya ng papalapit, pero nagulat ako ng biglaang may taong humarang.

At nakita ko na nanaman ang puting buhok niya. Sumuntok yung lalaki, dahilan para mapa atras si Night. "Ikaw nanaman?!"

"Yes. We will never let anyone harm Lady Alondra.!" Sigaw ng lalaki.

Lady? Edi wow. Hahahaha

Agad namang may lumapit sa akin. I looked at her and saw her familiar gray eyes.

"We need to go now." She said calmly.

Tumingin ako kay Julia at nakitang seryoso siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat," Tama sila. You need to come with Yvette."

What? Yvette? So kilala ni Julia ang dalawang ito?

"Wai-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang pag hila ni 'Yvette' sa kamay ko.

Tumakbo kami papalabas ng arena at ang huling nakita ko sa loob, ay ang paglabas ng mga nyebe mula sa kamay ni Julia.

"Sandali lang." Pagpiglas ko mula sa pagkakahawak niya.
So nahinto kami sa gitna ng open field.

"Alondra, kailanga-" Hindi natapos ni Yvette ang sasabihin niya ng biglang may kuryenteng tumama sa likod niya. Bumagsak siya sa lupa at nawalan ng malay. Tinignan ko ang isang parte ng likod niya, umuusok ito.

"I missed."

Tumingala ako at nakita ko ang nagsalita. Brown hair at brown eyes. At ang damit niya, formal. May white t-shirt na napapaloob sa dark blue niyang vest, samahan mo pa ng black slacks.

Magus: The Gems Of CreationWhere stories live. Discover now