CD 2

24.2K 679 275
                                    

Bhria

"REAH! ano na? Mangangako ka nanaman? Eh nung isang bwan pa yang utang nyo ah!"

"Baka naman pwede na sa akinse nalang kami magbayad-"

Mabilis akong bumangon nang marinig ko ang malakas na boses ng kasera namin na naniningil nanaman ng upa sa bahay. Napahilamos ako sa mukha gamit ang kamay saka kumuha ng matinong damit at mabilis na sinuot iyon.

"Mommy?" Tawag ko sa pansin nya nang makababa ako sa hagdan.

"Good morning po Aling Miding. Ano pong aten?" Nagpaskil ako ng mabait na ngiti sa matandang namumutok ang mukha sa make-up.

Tinaasan nya ako ng kilay na nagpangiwi sakin. "Ako nang bahala dito mommy." Baling ko kay mommy na nakatingin na pala sakin.

Nag-aatubili pa syang umalis pero tinanguan ko lang sya. Nang mawala na sya sa paningin ko ay binalingan ko na ang matandang kasera namin.

"Aling Miding..hindi pa po kasi ako nakakasahod-"

"Hay naku Bhria ha! Isang bwan na kayong walang bayad sa upa at magpapangalawa na ngayon! Kung hindi kayo magbabayad-"

"Dalawang libo palang po ang maiaabot ko. Saka na po yung kulang, sa sahod ko nalang po bubouin." Putol ko sa sasabihin nya.

Tinignan nya ako nang matalim pero nakalahad naman yung palad nya para kunin yung pera. Mabilis ko namang inabot ang perang allowance ko sana sa bwan na iyon pero okay lang. Magbabaon nalang ako ng pagkain para pamasahe nalang ang problema ko.

"May kulang pa kayong walong libo." Medyo mahinahon nang saad nya.

Tumango naman ako. "Sa katapusan ko nalang po iaabot."

Hindi na sya nagsalita at basta nalang akong tinalikuran. Napailing nalang ako.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko kaagad si mommy na nagpupunas ng luha. Mabilis ko syang nilapitan.

"Mom? Why are you crying?" Tanong ko habang hinahaplos ang likod nya para pakalmahin.

"This is suck hija! Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nasigawan ng dahil sa utang!"

Bahagya akong natawa. Sorry but I can't help it. "Mom, halos bwan-bwan naman tayong sinisingil ng ganito eh. Masasanay ka rin.." I joked to lighten the mood.

"Kapag nagkita kami ng tatay mo sa langit. Sasakalin ko talaga sya for making us suffer like this." Irap nya sa kawalan.

Natawa nalang ako. "Mom, don't say that."

Humarap sya sakin saka ako tinignan sa mata. "I need a job para matulungan kita. Alam ko na tinitipid mo ang sarili mo dahil lang sa mga gastusin natin dito sa bahay, sa mga gamot ko, sa kuryente, tubig,-"

"I can handle it mommy. Bukod naman sa pagiging secretary ni momu Lu may raket din naman ako as a freelance model."

"Pero paminsan-minsan lang naman yun kapag may nagkulang na model sa kanila. Isa pa, ayokong masyado mong pinapagod ang sarili mo dahil lang sa responsabilidad na ako dapat ang gumagawa."

"Nonsense. Masaya naman ako sa ginagawa ko, tsaka.." Biglang pumasok sa isip ko yung trabahong inooffer sakin ni mamu Lu. Nag-iwas ako ng tingin kay mommy. "M-may binibigay saking ma-magandang trabaho si mamu. Kapag natapos yun siguradong babayaran n-nila ako ng malaki." Bumaling ako kay mommy saka ngumiti. "Hindi na natin kailangan mag-upa, hindi narin natin kailangan mangutang ng pambili mo ng gamot at makakapagsimula pa tayo ng business na gusto mo." Nakangiting hayag ko at pilit iyon nilangkapan ng sigla.

Kumunot ang noo ni mommy. "What job is this?"

"A model of some company."

"Some company? What company is that?"

Chased Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon