CD 23

19.7K 484 19
                                    

Bhria

MAHIMBING nang natutulog si Dhanelle sa tabi ko habang nakayakap ang isa nyang braso sakin. Napangiti ako nang mas lalo pa nyang isiniksik ang sarili nya sa gilid ko.

Minsan, hindi ko alam kung paano kami umabot sa ganito. Akala ko dati..imposible nang magkita pa kami pero siguro nga tadhana na ang may dahilan- dahil katulad nga ng sabi nila; Kung para sayo, para sayo. At walang makakapagpabago run.

Bumaba ang mata ko sa maganda nyang mukha. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapatitig doon. Minsan iniisip ko kung posible ba talaga ang pagkakaroon ng ganitong mukha? Yung wala ka manlang makitang imperfections. Parang ni minsan nga ata hindi manlang sya tinubuan ng tigyawat sa kinis ng mukha nya. Kung hindi ko pa dati alam na may kakambal sya na kamukhang kamukha nya, malamang naisip ko nang nagparetoke sya.

"Bakit gising ka pa?" Bahagya akong napapitlag nang magsalita sya habang nakapikit.

Unti-unti syang dumilat saka ngumisi sakin. Bahagya syang bumangon saka itinukod ang kanyang kamay sa kanyang ulo kaya naman nakatingala na ako sa kanya.

"Nagandahan ka nanaman sakin." Hindi mapuknat ang ngisi sa labi nya.

"Hindi noh." Inirapan ko sya. "Asa ka pa."

"I can feel your stare hon. Wag ka nang magkaila. Kaya nga ako nagising kasi ang init ng titig mo e," Bahagya nyang inilapit ang mukha nya sakin. "Why? Do you want another round?" She wiggle her eyebrows at me.

Sa inis ko, mabilis ko syang kinutusan. "Mukha mo!"

"Ouch! Where did you learn that? Ang sakit!" Sapo-sapo nya ang noo nya habang nakangiwi.

Natawa ako sa itsura nya. Para syang tanga.

"Ang OA mo a, mahina lang kaya yun."

"Hindi kaya!"

"Mahina lang yun!"

"E bakit masakit parin?"

"Maarte ka kasi," Nakangusong sabi ko sa kanya.

Hmp! Arte-arte kutos lang eh.

"Masakit talaga. I-kiss mo para mawala."

Ayuuunn.. Gusto lang pala maka-score.

Ngumiti ako nang matamis saka dahan-dahang inilapit sa labi nya ang labi ko. Hindi pa man naglalapat iyon ay nakapikit na sya. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko.

"Mukha mo." Sabi ko saka mabilis na umayos ng higa at tumalikod sa kanya. "Inaantok na pala 'ko. Matutulog na 'ko. Good night." Saka prenteng pumikit.

"Hon," Kalabit nya sakin. "Uyy..ang daya mo. Nasan yung kiss ko?" Pangungulit pa nya pero hindi ko na sya hinarap at nagkunwaring tulog.

Habang patuloy parin ang reklamo nya, ako naman ay naging totohanan na ang antok. Parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod mula kanina kaya naman hinayaan ko nalang si Dhanelle sa kakareklamo nya.

Naghikab ako pero bago pa ako hatakin ng antok ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi nya na nagpangiti sakin.

"Pasalamat ka mahal kita." Saka ko naramdaman ang pagyakap nya mula sa likuran ko at ang pagdampi ng labi nya sa batok ko.

"SINONG kausap mo?" Bungad agad sakin ni Dhanelle habang nakatutok ang mga mata sa hawak kong phone.

Kabababa ko lang niyon nang sumilip sya sa veranda. Lihim akong napangiti nang makita ko ang sama ng tingin nya sa cellphone na hawak ko na parang gusto nyang itapon iyon kung hawak lang nya.

Chased Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon