Lost [V Y O O N] 1/3

345 16 1
                                    

Lost

(V X Yoona)
"Lost my way..."

"I AM sorry Ms. Im. Hindi po naging successful ang operasyon na ginawa sa ulo niya. Ginawa po namin ang lahat pero wala na po talaga. Hindi po kinaya nung pasyente. I'm sorry." Nakayukong sabi ng doktor bago naglakad papalayo sakaniya. Hindi siya nakapagsalita, ni ang sugat niya sa noo at mga sugat sa braso ay nawala sa isip niya. Patuloy lang na bumabagsak ang mga luha sa mata niya habang nakatingin sa pinto ng operating room kung saan binawian ng buhay ang fiance niya.

"No..." Nanghihinang turan niya bago alisan ng malay ang kaniyang katawan at bumagsak sa sahig.

6 months after...

YOONA wake up with a pure white ceiling over her. Ipinalibot niya ang tingin at napagtantong nasa ospital siya.

"Yoona! Mabuti naman at nagising ka na!" Napatingin siya sa babaeng sumigaw at kinunutan niya ito ng noo. Malapad parin itong nakangiti sakaniya.

"Sino ka? Bakit kilala mo ako?" Mahinang tanong niya pero sapat na para marinig ng babae na naging dahilan upang unti-unti ay mawala ang ngiti sa mga labi nito.

Naguguluhang lumapit kay Yoona ang babae. "Are you okay?" Tanong nito.

"Miss." Pilit itong bumabangon pero napangiwi ito at napahawak sa ulo niya kaya dinahan-dahan na lamang niya ang pag-upo. "Anong nangyari Miss? Bakit ang sakit ng ulo ko?" Namamaos niyang tanong.

"Anong tinawag mo sakin?" Naguguluhan at nagtatakang tanong niya kay Yoona.

"Miss. Hindi naman kita kilala e." Nakangiwi ito habang hawak ang ulo niya. "Ano bang nangyari sakin?"

Napatitig ang babae kay Yoona. Puno siya ng pagtataka. Thinking why the hell did she call her 'Miss'? Her mind can't wrap things up. What's going on?

"Miss, ano ba talagang nangyari sakin?" Tanong muli niya upang maagaw ang atensyon ng babae. "Bakit ka nandito? Sino ka nga?" Naiinis na ang tono ng boses nito sa hindi niya pagsagot kaya naman nagdesisyon na siyang sagutin ang mga tanong nito hangga't kaya niya.

"I am Hyoyeon, bestfriend mo. You've got into an accident 6 months ago. Naconfine ka lang naman pagkatapos noon at nagising ka pagkatapos ng tatlong araw. You have been better for the following 5 months pero noong isang linggo ay natulog ka tapos ay ayaw mong magising." Kuwento niya.

"And? Bakit ka nga nandito?"

"I did my best to wake you up. Magkasama tayo sa iisang bahay. I brought you here in the hospital."

Napatango ito sa mga sinabi niya pero nakakunot parin ang noo. "Bakit hindi kita kilala? Bakit wala akong maalala?"

Parang sasabog ang ulo ni Hyoyeon sa mga tanong ni Yoona. Paano niya sasagutin ang mga tanong na iyon kung pati siya ay hindi alam kung bakit nawala ang memorya nito.

"Dito ka lang." Paalam niya kay Yoona na naguguluhan parin saka lumabas ng silid.

Buti nalang at saktong pagkalabas niya ay papunta ang Doktor ni Yoona sa direksyon niya.

"Doc." Tawag niya at sinalubong ang babaeng doktor. "Gising na po si Yoona."

The doctor faced her and smile. "That's good."

BangtanYoong Short StoriesWhere stories live. Discover now