Genie [Y O O N K O O K] 2/2

231 21 7
                                    

YOONA is bored to death. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Jungkook kanina ay hindi na siya muling lumabas sa kwarto niya. Lumabas man siya, kusina lang ang punta para magluto at kumain. Alas sais na ng gabi at mula kanina ay tikom na ang bibig niya.

Naiinis siya dahil hindi manlang siya tinawagan o kinamusta ni Jungkook matapos siyang magpalusot na masama ang pakiramdam niya. Pero kahit na pairalin niya ang kaartehan niya, mababago ba nito ang nararamdaman ng binata? Kung mag-inarte ba siya mamahalin na ba siya nito? Hindi nalang ba hanggang bestfriend at ang pagiging genie nalang ang tingin nito sakaniya?

"Argh! Buwisit! Genie!" Then she slap and punch the pillow until the feathers inside them scatter.

She started imagining scenes. Baka kaya hindi na siya kinamusta nito ay dahil magkausap sila ng pinsan nito o kaya magkasama sila. Ano kayang pinag-uusapan ng dalawa? Nagsisimula nanaman siyang mairita.

She's pretty sure that the two of them are making a huge progress right now. Hmp! Aanhin pa niya ang genie kung kaya naman niyang kumilos ng mag-isa!

Hinay-hinay lang kasi sa pag-iimagine Yoona, para hindi ka gaanong masaktan. Ani ng isang parte ng isip niya.

Damn it!

Yoona was about to stand up when her laptop lighted up as a sign that she received a notification.

It's Tiffany, asking for a video call.

"Hi babes!" Bungad nito pagka-accept niya sa request nito. Nakaupo ito sa swivel chair niya kaya alam nitong nasa opisina parin ang kaibigan.

"Hey." Matamlay na bati niya pabalik sa kaibigan.

"Ang tamlay mo. Anong nangyari kanina para magkaganiyan ka aber?" Taas kilay nitong tanong.

"He personally informed me that he's already courting my cousin." Tiffany rolled her eyes.

"Meh. Not surprised." Ani niya pagkaraan ay sumimsim sa kapeng nasa tabi lang nito.

"And he also ask me to be his genie." Sa kadahilang hindi pa nalulunok ni Tiffany ang kape niya, agad niya itong naibuga at nanlalaki ang matang tinignan si Yoona. Inilapag niya ang kape sa tabi ng laptop na gamit at inilapit ang mukha sa webcam.

"For real?!" Napapantastikuhang tanong nito.

"For real. To make the long story short, he wants me to make Jade say 'yes' to him." Pagkwekwento niya.

"Wow! Now that's surprising. Really, wow!" Komento ni Tiffany. "But this one is not surprising too. I bet you said yes." Sabi nito na siguradong sigurado.

"Am I that easy to read?" Natatawang saad niya pero bakas ang pait nito.

"No! Tanga ka kasi talaga! Oh my God Yoona! You can tell him that you can't and you don't want to be his genie yet you choose to be! Darn girl! You're frustrating me!" Naiinis na turan nito.

Nainis si Yoona sa pagkakasabi nitong ang tanga-tanga niya pero sino ba siya para mainis? Tama naman si Tiffany e, pwede siyang umayaw pero anong ginawa niya, pumayag siya. Hobby na nga yata talaga niyang saktan ang sarili niya.

"Bye. I gotta go. May meeting pa kong pupuntahan. Wake up girl!" Paalala nito bago patayin ang video call nilang dalawa.

Pabagsak niyang inihiga ang katawan sa kama ng tumunog nanaman ang cellphone niya. A sign of reminder. Reminder sa date sana nila ni Jungkook bukas ng gabi.

BangtanYoong Short StoriesWhere stories live. Discover now