Lost [V Y O O N] 3/3

210 14 3
                                    

KASALUKUYANG nanananghalian silang lahat sa hapag-kainan. It's already 1:00 in the afternoon. Masyado silang nag-enjoy sa paglalaro sa dagat kaya hindi na nila namalayan pa ang pagtakbo ng oras.

Tatlong araw na silang namamalagi sa beach house niya. Nagrequest kasi si J-hope kung pwede na isang linggo sila doon, pumayag naman sila. And in that three days, napapadalas na ang pagsakit ng ulo niya. Mayroong nag-iiwan ng sulat sa mailbox niya sa labas at may mga nakalagay doon tungkol sakaniya. Things that are familiar to her and even places. It is indicated in the letter.

"Magpapahinga muna ko sa taas. Inaantok pa ko e." Paalam ni V. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng mga kasama at nagdire-diretso na ng akyat sa kwarto nilang magkakaibigan.

Yoona is hurt. Hindi niya sinunod si V, hindi siya lumayo dito, pero nananadya nga yata talaga ang binata dahil ito naman ang umiiwas sakaniya. Napapansin na ito nila Jin pero hindi sila nangingielam, alam nilang walang magandang maidudulot kung dadagdag pa sila sa problema ng dalawa. Which is alam nila. Kung tutuusin, Yoona is the only one clueless, she is the one left behind sa mga nalalaman nila. Pero lingid sa kaalaman nila na ito ang dapat na pakakasalan ni Yoona.

Bigla niyang inilapag ang kutsara't tinidor na gamit niya sa mesa dahilan para magulat ang mga kasama niya. Nagmamadaling kumuha ng tubig si Hyoyeon ng pumalahaw ito ng iyak.

"Uminom ka muna. Bakit ba bigla ka nalang umiiyak?" Tanong ni Hyoyeon habang pinipilit itong uminom ng tubig. Tinabig nito ang tubig na iniaabot ni Hyo, ang mga kalalakihan ay makatingin lang sa kanilang dalawa.

"What happened?" Tanong muli ng kaibigan niya na ang boses ay puno ng pag-aalala.

Humihikbing sumagot siya. "I am inlove with him, Hyo. Mahal ko na si V."

"E bakit ka umiiyak? Masaya ka ba? Tears of joy ba iyan dahil narealize mo na in love ka?" Natawa si Hoseok sa sinabi ni Hyoyeon kaya agad siyang siniko ni Jimin na katabi niya kaya nanahimik siya.

"Hindi naman niya ko mahal." She sobbed again.

Napabuntong-hininga si Hyoyeon . "Paano mo naman nalaman na hindi ka mahal ni V? Hindi naman sa sinasabi ko na mahal ka nga niya dahil hindi ko din alam kung mahal ka nga ba talaga niya." Maang niya. Ayaw niyang pangunahan si Vahn sa desisyon nitong pagsasabi kay Yoona na hindi siya si V at multo siya.

"Paano ko nalaman?" Tinuyo niya ang basang pisngi at humarap kay Hyoyeon. "Kasi iniiwasan niya ko. Ayaw niya na lumalapit ako sakaniya, he even told me na iwasan ko siya dahil masasaktan lang ako. So what that does mean? Isa lang, hindi niya ko masasalo. He already read my heart."

"Paano kung may rason lang talaga siya kung bakit ka niya iniiwasan?" Singit ni Suga. Sa loob ng ilang araw na magkakasama sila, naging parte na ng pagkakaibigan nila sila Yoona at Hyoyeon kaya masakit din para sakanila na makitang nasasaktan ito. "Paano kung ginagawa lang pala niya iyon para sa iyo, para hindi ka masaktan?"

Napatawa si Yoona ng mapait. "Bakit ba palagi nalang ganiyan ang sinasabi niyo? Bakit ba ko masasaktan?"

"Ikaw lang ang makakasagot niyan. When you remember." Tinignan ni Yoona si Hyoyeon ng mapang-hamon.

"Then enlighten me. Ikuwento mo saakin lahat ng nakalimutan ko. Except for my parents' death because I already remembered them." Nagulat si Hyoyeon sa sinabi nito.

BangtanYoong Short StoriesWhere stories live. Discover now