Genie [Y O O N K O O K] 1/2

587 25 3
                                    

Genie

(Jungkook X Yoona)
"I'm genie for you boy..."

NAGULAT si Yoona ng marinig ang tunog ng cellphone niya, senyales na may natanggap siyang text message. Sinilip niya ito at nakita ang pangalan ng bestfriend niya na nakalagay sa screen.

'Jungkook'

Agad niyang ibinaba ang librong kaniyang binabasa at muling iniipit ang bookmark saka isinara dahil baka liparin ang bawat pahina nito sa sobrang lakas ng hangin sa labas, pagkatapos ay binasa niya ang natuyong mga labi saka inipit sa kaniyang kanang tenga ang mga kumawalang buhok mula sa pagkakasupil niya.

Umayos siya ng pagkakaupo sa sahig at inabot ang cellphone niya. Binuksan niya ang text at isang marahas na buntong-hininga nalang ang napakawalan niya at wala sa sariling napairap ng mapagtanto kung sino nanaman ang ibinibida nito sakaniya. Si Jade, pinsan niya at ang babaeng lihim na minamahal ni Jungkook.

'Yoon-Yoon! Pinanood ko kanina yung pagkanta ni Jade sa Coffee shop. She's really good! She really has a voice of an angel. I'm falling for her hard.'

Hindi naman sa naiirita siya pero naiirita na talaga siya sa tuwing ibibida ni Jungkook ang pinsan niyang si Jade. Naiinis siya to the point na iniisip niya na sana hindi nalang niya pinakilala ang pinsan niya sa bestfriend niya and the fact na sila ang magkasama pero ibang tao ang palaging bukang bibig nito. Dati naman ay hindi ganoon.

Maganda naman siya, maraming nagsasabi. Kaya nga hindi niya mawari kung bakit hindi siya nakikita ng kaibigan niya gayong palagi siyang nagpapapansin dito. Even though trying hard to win someone's attention doesn't suit her place and wealth in this country, she will.

Her dad is an owner of a wine store with different branches in Asia and it's very well known, while her mom designs different expensive signature bags being trasported in Europe. And her? She had built different businesses in a variety of country, mayroon siyang clothing line sa France and she is even investing in companies na papalugi na.

On the second thought, she just enjoy life with her bestfriend, not until she let Jungkook and Jade cross their ways.

Labag man sa loob niya ay pinindot niya ang reply button at nireplyan si Jungkook, ayaw niyang magmukhang masama sa binata.

'Really? You're really into her e?'

Ipinatong niyang muli ang cellphone sa kaniyang bedside table at patalong umakyat sa kama niya. Hindi pa man siya tuluyang nakakahiga ay tumunog nanaman ang cellphone niya. Nagpakawala muna siya ng isang marahas na buntong hininga bago ito kuhanin at buksan.

'Yes, really. By the way, let's meet tomorrow. I've got something to tell you and a question to ask you. But maybe, more of a favor. :)'

Ayaw man niyang isipin at pilit man niyang ialis sa isipan niya ang isang bagay na maaaring itanong nito sakanya, hindi niya magawa.

'Sure. Siguro mga after lunch :) Gotta go to sleep. I need beauty rest.'

'After lunch then :) Goodnight. I love you, bestfriend. Sweetdreams, make sure na maaachieve mo rin yung beauty ha? Hindi puro rest. Kidding. <3 :*'

BangtanYoong Short StoriesWhere stories live. Discover now