chapter 9

573 12 0
                                    

"MINDY"

Naalimpungatan ako at natanawan ang nag uusap na si manang Belen, katiwala namin at nag silbing pangalawang ina ko nadin mula ng mawala si mommy! Kausap niya ang antipatiko kong driver!














Hindi ko na inantay na pag buksan pa niya ako kaya naman umibis na ako ng sasakyan!












"What's going on here?" Singit ko sa kanila!  Agad namang nag tama ang mga mata namin ng driver.















"Ahh mam gising na hoh pala kayo!" Tugon niya.















"Ahh iha, mayroon kana palang personal driver?" Singit naman ni Manang Belen.












"Unexpectedly" tanging sagot ko sabay lakad diretso papasok sa loob ng mansyon.












"Good morning po senorita" bati ng mga katulong habang taas noo naman akong nag lakad lang ng dire-diretso patungo sa office ni daddy.













Tok! Tok!







Mahinang katok ko.











"Come in" maawtoridad na utos niya.












"Good morning dad--











"Saan ka natulog?" Agad na tanong niya.











Naupo muna ako sa couch na nandoon.











'Sa office...paper works" pag sisinungaling ko.











'Dont forget the dinner party tonight at branch 5" paalala niya sakin.











"Copy dad" maikling tugon ko.










Matapos naming mag usap ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nag half bath! Mamaya nalang ako maliligo ulit, matutulog muna ako.














Napasilip ako sa aking bintana at doon napag-masdan ang driver ko
Na nilalaro si chichi, ang Shiatsu na niregalo pa sakin ni Steven nung mag 3 years anniversarry kami!













Nakakapag-taka lang na hindi siya inaangilan nito at talaga namang nakayapos pa ito dito! Hindi ko tuloy napigilang isipin si Steven.













Muling nabalot ng lungkot ang sistema ko at hindi ko na naman napigil ang pag patak ng luha ko! Muli akong bumaling sa labas at nag tama ang mga mata namin ng driver ko! Nakita ko agad ang pag-aalala sa mukha niya! Agad kong sinarado ang bintana at niladlad ang mga kurtina!















Kinalma ko ang aking sarili at nag tuloy nalang sa aking higaan! Doon ko inilabas ang sakit ng nararamdaman ko! Hinayaan ko lang na umagos ng umagos ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.

















At least kahit papano, medyo naiibsan ang sakit.

^my Lady Boss^حيث تعيش القصص. اكتشف الآن