chapter 28

445 9 0
                                    

"Dyllan"

Nag-leave muna ako sa trabaho mula ng mag kasakit si boss matapos naming mag tampisaw sa ulan!










Gusto ko man siyang tingnan o kamustahin man lang ay hindi ko magawa dahil nandoon at kasama namin sa bahay ang daddy niya! Ayoko namang mag isip pa ng hindi maganda ito sakin.












Tatlong araw ang nakalipas ay hindi padin ako pumapasok dahil wala pang tawag si Gwyneth na pinag-bilinan ko na kokontak sakin sakaling gumaling na si boss at handa ng pumasok!










Hanggang sa isang araw ay tumunog ang aking telepono at ang number ni Gwyneth ang rumehistro!













Binalita niya na lumabas na ng silid si boss kaya naman agad kong dinial ang numero nito at tinawagan!













Ringggggg!!



[ hello mam! Tinawagan hoh ako ni gwynet! Ayos na daw hoh kayo? ]






Puno ng pag-aalalang bungad ko!









[ kung ayaw mong mawalan ng trabaho ay pumasok kana ngayon din]













May diing sagot nito sabay patay sa telepono!













Anong nangyare don? Parang galit!









Kaya naman wala na akong inaksayang oras at agad akong gumayak patungo sa mansyon! Agad kong nakita si Manang Belen at Gwyneth sa labas ng gate!













"Dyllan! Mabuti at dumating ka! Baka may alam kang lugar na laging pinupuntahan ni Mindy? Umalis kasi siya!" Nag-aalalang salubong sakin ni Manang.














"Hoh? Pero kagagaling lang hoh niya sa sakit di po ba?" Tugon ko naman.












"May...may nangyare kasi! Nag-aalala ako dahil hindi maganda ang lagay niya ng umalis siya sa mansyon!" Si Manang!












"Ganoon hoh ba? Mabuti pa ay hanapin ko na siya!" Nag aatubiling sagot ko!













Agad kong kinuha ang sasakyan at agad pumunta sa opisina ngunit hindi padin daw ito pumapasok sabi ni Claire!














Muli akong nag maneho at pumunta sa sementeryo ngunit wala din siya doon!












Agad kong dinial ang kanyang numero ngunit hindi ito makontak!











Nag simula na akong mag-alala ng husto!











Ano bang problema mo at umalis ka??









Hanggang sa isang lugar ang pumasok sa aking isipan na maaari din niyang puntahan!













Sa amusement park!!













Wala na akong inaksayang oras at mabilis kong pinaandar ang sasakyan patungo doon!













Kaunti lang ang tao ng araw na yun dahil hindi naman weekend!












Agad ko siyang hinanap sa loob partikular na sa mga rides na sinakyan namin nung huling punta namin dito!











Hanggang sa humantong ako sa huling rides na sinakyan namin!












Sa ferris wheel!

^my Lady Boss^Where stories live. Discover now