the_ending

605 16 0
                                    

"Dyllan"

Limang taon ang mabilis na lumipas! Limang taon akong nangulila kay Mindy! Limang taon akong nag pursige para mapantayan man lang sila para kapag humarap akong muli sa daddy niya ay mayroon na akong maipag-mamalaki!











Hanggang sa sinuwerte ako at gumanda nadin ang disposisyon ko sa buhay!










May sarili na akong negosyo at may sarili nadin akong bahay at sasakyan! Maging ang kapatid ko na si Dannica ay madalas ko nading makasama dahil minsan ay natutulog siya sa bahay! Samantalang si Auntie at Dindo ay ayaw pading umalis sa dating lugar namin kaya naman binigyan ko nalang siya ng puhunan para pang negosyo! Ang huling balita ko ay napapalago naman ni Auntie ito!













Ngunit isang araw ay hindi ko inaasahan ang aking magiging bisita!










Ang daddy ni Mindy!







"Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa! Nandito ako para sa anak ko at para nadin tuparin ang pangako ko!" Panimula niya! "Pinatunayan mo sakin na desidido ka sa lahat ng bagay para lang mapantayan kami ng sa gayon ay may pang tapat kana sa kanya at hindi ka maging alangan! Kaya naman sasabihin ko na ang totoo sayo" dagdag pa niya! Halos kumawala ang puso ko dahil sa sobrang kaba! "May anak ka, may anak kayo ng anak ko!" Sambit niya sa huli na ikinagulat ko ng husto!









"May a-anak ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko!









"Oo! At wag kang mag alala, ipinag-kait ko man sa kanya ang limang taon na wala ka sa tabi nila ay napatunayan mo naman na desidido ka para umasenso para sa kanila! Kaya naman buong puso na kitang tinatanggap bilang kasapi ng aming pamilya!" Mahabang wika nito na sobrang ikinasaya ko!












Kaya naman nandito ako ngayon sa amusement park kung saan palagi akong nag hihintay sa pag dating nila!








Ng mag ina ko!








Halos linggo-linggo ay bumabalik ako sa lugar na ito! Sumisigaw sa tuktok at umaasang madidinig nila ako!












Hanggang sa isang araw..









"Daddy nasaan ka na! Nandito na kami ni mommy!!" Sigaw ng bata mula sa kabilang pwesto ng ferris wheel!











Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita kung sino ang kasama ng batang babaing sumisigaw!












Si Mindy!!










"Anak! Nandito lang si Daddy! Nag hihintay sa inyo!" Sigaw ko naman na ikinalingon nila sa gawi ko!













Kitang-kita ko ang luhang tumutulo sa mata ni Mindy ng makita ako! Samantalang ang batang babae ay nakatanaw lang sa akin na marahil ay anak ko!












"Anak ako ito si daddy!!" Sigaw ko! Bumaling naman ang bata kay Mindy at ng muling tumingin sa akin ay umiiyak na ito!













Agad akong bumaba at hinintay silang makababa!












Pag labas palang nila ay agad sumalubong sa akin ang bata at yumakap!











"Daddy ko! Daddy nandito kana!" Palahaw nito habang nakayakap naman ako at umiiyak din! "Promise me, hindi kana mag aabroad! Hindi mo na kami iiwan ni mommy!" Dagdag pa nito!










"Pangako anak ko! Hindi na aalis si daddy! Hindi ko na kayo iiwan ni mommy! Hinding-hindi!" Naguguluhan man ay tugon ko!













Ng humiwalay sakin ang bata ay agad ko namang niyakap si Mindy na noon ay walang patid din ang pag iyak!











"Mis na mis na kita mahal ko! Matagal kong hinintay ang pag kakataon nato na mayakap ka at mahagkan ka!" Wika ko.












"Patawad mahal ko! Wala akong nagawa kundi layuan ka! Pataw--











Hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita at agad ko siyang siniil ng halik!











Puno ng pananabik ang halik na aming pinag-saluhan! Natapos lang yun ng madinig namin ang palakpakan sa aming paligid at doo  namin nakita ang ilang staff ng amusement park!












"Yeee! Ang sweet naman ng mommy at daddy ko!" Tili ni Millan na siyang isinunod pala sa pangalan naming dalawa ni Mindy!














Sa lugar na yun nabuo ang pag mamahalan namin!












Nasira man ang pag sasama namin..











Muli itong nabuo sa mismong lugar kung saan ito nag simula...












At may bonus pa!











Si Millan!










Ang naging bunga ng aming pag mamahalan!










~the_end~

^my Lady Boss^Donde viven las historias. Descúbrelo ahora