chapter 31

468 10 0
                                    

"Mindy"

Dinala ako ni Dyllan sa bahay ng Auntie niya dahil nadin sa kahilingan ko! Ayoko pang umuwe ng mansyon dahil hindi ko pa kayang makaharap si daddy!












"Auntie! Nandito na po kami!" Tawag ni Dyllan dito at gulat ito ng makita na kasama ako!










"Mam?! Ay naku pasok po pasok!" Nag aatubiling aya nito sa loob.












Agad nila akong inasikaso at ng malaman ng Auntie ni Dyllan na dito ako mag papalipas ng gabi ay talaga namang inayos pa nito ang hihigaan ko!











Nakakatuwa lang na kahit kapos sila sa pinansyal ay sobra naman sila sa pakikipag-kapwa tao bagay na hinangaan ko sa kanila!






''Ahh mam, heto muna ang damit na pamalit! Baka hoh gusto niyong mag palit!" Abot sakin ni Dyllan ng damit! Agad ko namang kinuha iyon  at isinuot! Natitiyak kong kay Dyllan ang damit na ipinahiram niya sakin dahil may kalakihan ito!













"Salamat sa komportableng higaan!" Sambit ko ng sinilip niya ako sa kwarto kung saan nila ako pinatuloy!











"Wala po yun mam! Nakakahiya nga po dahil matigas ang higaan tapos ang init pa!" Nahihiyang tugon naman nito.











"Wala namang problema yun kung mababait na katulad niyo ang aking makakasama!" Nakangiting sambit ko pa! "Teka! Paano ka? Saan ka matutulog?" Tanong ko naman dahil bukod sa maliit na kwarto na hinihigaan ko ay maliit lang din ang sala nila kaya alangan kung tatlo pa sila pati nung bata ang mag sasama-sama doon!











"Ahmm..ayos lang hoh ba kung dito ako sa lapag matulog? Para nadin sana mabantayan ko kayo!!" Nahihiyang tugon nito.












"Oo naman! Walang problema!" Sangayon ko!











Nag latag na siya ng higaan sa sahig at doon pumwesto!








"Goodnight po mam!" Paalam pa nito.








"Go-goodnight din" sagot ko! Ngunit hindi ako dalaw-dalawin ng antok! hanggang sa lumalim na ang gabi at natitiyak kong natutulog na si Dyllan!










Panay baling ko sa aking higaan! Mukhang namamahay pa ata ako,










Nasanay kasi ako sa aircon kaya naman hindi talaga sapat ang hangin buhat sa isang maliit na electricfan na nakatutok sa akin!













Bahagyang kong sinilip si Dyllan at nagulat pa ako ng mag tama ang aming mga mata!












"Gi-gising ka padin pala?" Naiilang na tanong ko! Bumangon siya buhat sa pag kakahiga at kumuha ng karton!












"Alam ko pong naiinitan kayo kaya papaypayan ko nalang kayo mam!" Sambit nito sabay upo sa tabi ko! "Sige na po mam, matulog na kayo! Nandito lang po ako para bantayan kayo!" Dagdag pa nito.














Kaya naman sinunod ko nalang siya at pinikit ang aking mga mata!
Ramdam ko ang ginhawa habang pinapaypayan niya ako! Hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog!












KINABUKASAN...







Unti-unti kong binukas ang aking mga mata ng may tumamang liwanag sa aking mukha!












Umaga na pala!








Ngunit ganoon nalang ang aking pag kagulat at panlalaki ng mga mata ng mabungaran ko sa aking gilid ang mukha ni Dyllan na mahimbing na natutulog sa aking tabi!














Nakayapos pa ito sa akin!










Hindi ako makagalaw dahil ayokong magising siya pero huli na ang lahat!













Dahan-dahan din siyang nag mulat ng mga mata at agad nag tama ang aming paningin!












Hindi ko alam ang aking magiging reaksyon pero natitiyak kong namumula na ako ngayon sa sobrang hiya!















Napabalikwas siya ng bangon!









"Ma-mam so-sorry po! Sorry! Hindi ko po namalayan na nakatulog na pala ako dito sa tabi niyo kagabi! Patawad po mam patawa--













"Okay lang" pigil ko sa kanya! "Mas nakatulog ako ng mahimbing! Salamat sa pag paypay mo sakin!" Dagdag ko pa! Pilit kong nilabanan ang pag-kailang na aking nadarama!









.

"Ahh...wa-wala pong anuman! Ahmm la-lalabas na po ako! Ipag titimpla ko kayo ng ka-kape!" Paalam nito!













Naiwan akong napapangiti sa itsura niya! Halatang nailang din siya pero ayokong mag lagay ng pagitan saming dalawa!

^my Lady Boss^Where stories live. Discover now