19: Business

7.6K 222 7
                                    

"Xandra Lee," pagbas ani Josef sa nakasulat sa folder. Kasama na roon ang picture nito at iba pang detalye. "She's seventeen. Too young for her age."

"Too old for us," sagot na lang ni Armida habang naka-focus lang sa phone niya.

Tinapunan ni Josef ng tingin ang asawang busy sa phone nito. At alam na alam niyang naglalaro lang ito dahil sa sound na nanggagaling sa gadget.

"You're not planning to take this one seriously, are you?" tanong pa ni Josef.

"The guild's trying to cartelized the whole system." Sinulyapan ni Armida ang asawa niyang nakatingin sa kanya. "Their using us to gather all possible sources na pumapanig sa competitors nila."

"And you hate that?" takang tanong pa ni Josef.

Napangiwi tuloy si Armida sa tanong na iyon. "Josef, that's not something to hate. That's something to curse. They are controlling the organization."

"Well, they are the organization. Di ba, mas dapat kang magtaka kung wala silang control sa mga ganitong bagay?"

Doon napaayos ng upo si Armida at alanganin ang tingin kay Josef. Parang naliwanagan pero parang nainis din sa sinabi nito.

"At okay lang sa 'yo lahat ng 'to?" mapanghamong tanong ni Armida.

Nagkibit-balikat lang si Josef. "The moment I accept the fact na ito na ang buhay ko, I should anticipate the worst possible cases. I stayed with the guild longer than estimated when I was training under Cas. Hindi siya okay, kung 'yon ang tanong mo. Pero this is the guild. What more can you expect?"

Napaisip doon si Armida at napatanaw sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung kakampi ba niya sa layunin niya si Josef o wala lang talaga itong pakialam sa pinaglalaban niya noon pa man. Para kasing ayos lang dito ang kung ano man ang ginagawa nila. Napabuga na lang siya ng hangin. Hapon na at masarap mamasyal sa paligid ng hotel. May alam pa naman siyang magandang café na puwedeng tambayan.

"Bababa ako, sama ka?" iyon na lang ang naialok ni Armida kay Josef.

"We should focused on our targets," sagot agad ni Josef.

"Wala ako sa mood unahin 'yan," sabi na lang ni Armida at pinagpag ang suot niyang maluwang na black shirt.

"Armida . . ." pagpigil ni Josef sa asawa. "We should—"

"Magpapahangin lang ako. Kung ayaw mong sumama, magkita na lang tayo mamaya." Dali-daling lumabas si Armida ng suite at hindi na nakaimik pa si Josef sa pagwo-walkout niya.

Napailing na lang si Josef. Alam niyang malaki ang galit ng asawa niya sa guild. At hindi lang sa guild, pati sa kung sino-sino ang mga bumubuo nito. Hindi na nga rin niya masabi kung bakit kahit sagad ang galit nito sa mga Superior, pumayag pa rin itong maging bahagi niyon.

***

Sanay si Armida na lumalabas mag-isa. Hindi na niya pinilit pang samahan siya ni Josef. At dahil nagkusa siyang umalis sa suite, nakaligtaan na niyang kunin pa ang sariling phone. Tinamad na rin siyang bumalik pa sa unit para kunin iyon. Kung sakali man, alam ni Josef kung paano siya hahanapin dahil isang tawag lang nito kay Cas, alam na nito kung nasaan ang lokasyon niya.

Hinahalo niya ang bahagyang natunay na sundae at ilang beses inisip kung ano na ang susunod na mangyayari kapag natapos na nila ang misyong kompletuhin ang mga uupo sa posisyon. Hindi naman niya napaghandaan nang maigi ang tungkol doon. Gusto lang naman talaga niyang bawiin si Josef mula sa mga Superior.

"Hi."

Napaangat lang siya ng tingin nang may bumati sa kanya. Nakatayo ito sa kanang gilid niya at nakangiti. Hinagod niya agad ang ayos nito. Nakasuot ito ng carnation-colored shirt na naka-fold ang sleeves, beige trousers, at leather shoes. Tiningnan niya ang relo ng lalaki. Doon palang, alam nang mayaman ito. Sunod niyang tiningnan ang mukha. Brown and wavy hair, brown eyes, broad jaws, nice smile, and a very familiar face.

The Superiors: Assassins (Book 4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang