18: Mortal Enemy

1.3K 87 3
                                    

Naging mahaba ang biyahe kaya sinamantala na ng mag-asawa ang pagkakataon para makausap si Cas.

"Hey," pagtawag ni Armida sa sariling ina, "I know you know something about what happened last night."

"Narinig namin ang balita kanina sa radio station nitong van," sabi ni Josef habang tinututok malapit sa mukha nilang mag-asawa ang naka-loudspeaker na phone. "Isang buong kalye ang m-in-assacre."

Hindi sumagot si Cas sa kabilang linya.

"Yung Scheduler ba ang gumawa?" pang-uusisa ni Armida.

"Wala sa mission n'yo 'yon kaya hindi ko kayo kailangang sagutin." Iyon na lang ang sinabi ni Cas.

"Pero galing kami roon," katwiran ni Armida. "At kami lang ang naiwang buhay."

Narinig nilang nagbuntonghininga si Cas sa kabilang linya. "I'll talk to you later about that incident. You're going north for the next location."

Pinatay na rin ni Cas ang tawag pagkatapos.

Agad na nagduda si Armida sa hindi pagsagot ni Cas sa mga tanong nila. "She's hiding something."

"Kung hindi naman tayo involved sa nangyari, tama naman siguro si Cas," katwiran ni Josef.

"But that's weird. Buong looban ang naubos tapos tayo lang ang buhay?"

"At least, safe tayo at walang nangyaring masama habang nandoon tayo."

"So, you mean, mabuti ang nangyari, hmm?"

"That's not what I meant. Ibig kong sabihin, buti na lang dahil hindi ka nadamay sa nangyari."

Tinaasan agad ng kilay iyon ni Armida. "Hindi ako nadamay? Bakit? Nasaan ka ba noong nangyari 'yon? Wala ka ba sa unit?"

Sasagot pa sana si Josef pero hindi na niya itinuloy. Baka mag-away na naman sila kapag nalaman nitong mag-isa siyang umalis noong nakaraang gabi at iniwan niya itong mag-isa sa unit nila para kausapin ang Scheduler.

Bago pa magtanghali ay nakarating na ang van sa susunod na lokasyon.

"Oooh, look what we have here," nakangising sinabi ni Armida habang tinatanaw mula sa nakabukas na bintana ng sasakyan ang hotel na tutunguhin nila.

Isa iyong hotel na may thirty floors at may lawak na kayang umokupa ng limang block. Kulay puti at asul ang pintura niyon at may malaking pool sa likuran.

"Why?" tanong ni Josef, nakisilip din sa bintana para malaman kung bakit tuwang-tuwa ang asawa niya.

Unang bumungad sa paningin niya ang malaking fountain sa façade ng area at inuulanan ng tubig ang gintong mga letra sa ibaba niyon.

"Casa La Españolas," pagbasa ni Josef sa mga salitang ginto. Nagbago agad ang reaksyon niya at sinamaan ng tingin ang asawa niyang nakangisi pa rin. "I will not ask if this place is yours."

Ibinaba sila ng van sa entrance ng hotel. Pagkakitang-pagkakita pa lang sa kanila ng valet attendant at ng security, may tinawagan na agad ang mga ito bago sila salubungin.

"Good morning, Miss Hill-Miller," masiglang bati ng bell boy at kukunin na sana nito ang gamit ng mag-asawa pero pinigilan siya ni Armida.

"We'll carry our things," sabi ni Armida. Wala naman na kasing kalaman-laman ang maleta niya. Siya na ang naghatak ng gamit niya papasok ng hotel pero kinuha din iyon ni Josef paglapit nila sa front desk ngunit hindi naman hinintuan.

"Good morning, Miss Hill-Miller," pagbati ng isang lalaking naka-uniform. Mababasa sa name plate sa kaliwang bahagi ng itim na suit nito ang pangalang Johanson, Manager.

The Superiors: Assassins (Book 4)Where stories live. Discover now