7: Staycation

1.6K 98 6
                                    

Isang republic country sa South East Asia—iyon ang destinasyon ng private plane ng Citadel, lugar kung saan kailangang hanapin ng mag-asawa ang tatlo sa mga 5th Generation Superior na bibigyan nila ng Summons. Nakaabang na sa kanila ang isang puting van sa airport na magsisilbing service nila patungo sa condominium na pansamantala nilang tutuluyan.

Halos abutin ng isa't kalahating araw ang biyahe sa eroplano at sa van. Alas-otso na ng gabi nang makarating ang mag-asawa sa Viceroy, isang condominium sa gitna ng kapitolyo ng bansa. Sa tenth floor ang unit nila nang magtanong sa front desk.

"Shadow," tawag ni Armida habang nililibot ng tingin ang buong unit nila.

"Josef," pagtatama ni Josef sa pangalan niya. Mukhang hindi pa nga sanay ang asawa niya dahil tinatawag pa rin siya sa pangalang nakasanayan nito mula noong huli silang magkita.

"Yeah. Josef." Ibinalibag ni Armida ang mga gamit niya sa tabi ng maliit na receiving space ng unit. "What do you think?"

"This place is nice," sabi na lang ni Josef habang iniisa-isa ng tingin ang lahat ng gamit at bahagi ng unit. Cream-colored ang interior, puti at peach-colored ang mga furniture at iba pang gamit. May receiving area sa kaliwa nila pagbukas ng pinto, mini kitchen sa kanan, at nakatapat sa bandang bintana ang kama na nasa ilalim ng isang kulay puti ring malaking ceiling fan. "Cozy. I like it."

"No, not that, tanga," walang patumanggang sabi ni Armida at saka binuksan ang maleta niyang nakatumba.

"Ang sama talaga ng ugali mo, 'no?" sabi ni Josef habang nakasimangot dahil natawag pa siyang tanga ng asawa samantalang hindi naman niya alam ang tinutukoy nito.

"Tingin mo, paano tayo mino-monitor ng mga taga-Citadel? Hidden cameras? Mini mics?"

"Nag-aalala ka ba?" Inilapag na rin ni Josef ang gamit niya malapit sa closet na cream din ang kulay na nakaposisyon sa tabi ng banyo.

"Toiletries, clothes, nothing useful. Tsk, ginawa pa tayong bakasyunista," reklamo ni Armida nang makita kung ano lang ang laman ng gamit niya. "Oh! Wait. Binocular, pistol, and . . . a knife." Dismayado ang mukha ngunit bumawi na lang ng pagkibit ng balikat. Mababasa sa mukha niya na mapagtitiyagaan na ang mga gamit na iyon kaysa wala. "Mas nakakasakal pala 'to kaysa inaasahan ko."

"Hungry?" tanong ni Josef na dumiretso agad sa mini kitchen at nagkalkal ng ref. Napatango na lang siya gawa ng pagkabilib dahil may laman na agad iyon.

Ibinagsak lang ni Armida ang lahat ng hawak niya sa loob ng maleta at padabog na isinara iyon nang hindi inaayos. Kinuha niya ang smartphone at pinaikot-ikot sa kamay. Kakaiba ang porma ng ekspresyon niya, nagmamataray na naman. Nakataas ang kilay at alanganin ang ngisi sa dulo ng labi.

"May mga instruction na ibinigay si Cas," paalala ni Josef, "hindi ko alam kung nakinig ka."

"I listened," simpleng tugon ni Armida at pinanood si Josef na mag-asikaso ng kakainin nila. "Puwede ka namang magpa-deliver ng pagkain para sa dinner. O kaya tumawag for room service."

"Gusto mo ba ng pagkain sa fast food?" tanong ni Josef, pinagpatuloy lang ang paghahanda.

Umupo sa dining chair si Armida at pinanood lang ang asawa niyang nakatalikod sa kanya at nagsisimula nang magpainit ng stove. Sumandal siya sa upuan at humalukipkip habang naka-de-kuwatro.

"You cook?" nakangiting tanong ni Armida.

"I know how." Balak sana niyang magluto ng ham sandwich.

"Hindi ka naman siguro nagsisisi dahil napunta tayo sa ganitong sitwasyon."

"Anong sitwasyon?" takang tanong ni Josef nang lingunin si Armida. "Ito? Tayong dalawa? Magkasama?"

"Kahit hindi naman sabihin ni Cas, alam kong mas nag-aalala siya sa 'yo kaysa sa 'kin."

The Superiors: Assassins (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon