-1 and Trailer-

423 10 3
                                    

I will post the first chapter together with the story trailer :)

hope you like it.

Comment | Vote | Follow

----------

Chapter 1

Story trailer dun sa multimedia part please watch :)

Nagising si Stacy sa tunog ng alarm nya. Gumigising sya ng alas-singko ng umaga araw-araw para mag-asikaso, kumain ng breakfast at pumasok sa trabaho.

Nagtatrabaho sya sa isang architecture firm kung saan dalawa sila ng bestfriend nyang si Jake ang nagha-handle. Pagka-graduate nya ay nag-pasya sila na magtayo ng sariling firm. Lima silang architect na nagtatrabaho sa firm na yun at silang dalawa lang ni Jake ang pinaka-head ng kumpanya.

Bumangon na sya at niligpit ang kanyang pinaghigaan. Hindi nya na inaasa sa katulong ang pagliligpit nun dahil sinasanay nya ang sariling maging independent. Meron syang isang katulong sa bahay at isang boy/hardinero. Ang trabaho lang ng katulong nya ay magluto at maglinis pero sa iba pang gawain tulad ng mag-laba , at mag-hugas ng pinagkainan nya ay sya na ang gumagawa.

Sa paglilinis din ng kwarto nya ay di nya na inaasa sa katulong.

Pag-kagraduate ng college sa manila, lumipat sya sa tagaytay at tumira sa bahay nila dun. Dito na din nila tinayo ang firm nilang magkaibigan. Maliit lang yun sa umpisa pero nakalipas naman ang isang taon awa ng dyos at lumalago na ito. Nag-umpisa sa tatlo ngayon ay lima na silang nagtatrabaho dun.

Pagkatapos nyang maligo, nag-suot lang sya ng simpleng blouse at pants. Nag-lagay ng hindi masyadong makapal na lipstick at konteng blush-on.

Bakit kailangan pa nyang mag-suot ng magarang damit at mag-make up ng napagka-kapal eh sa trabaho lang naman ang pupuntahan nya at hindi party.

Sinuot ang walang grado nyang salamin, nakasanayan nya na iyon para maiba naman ang itsura nya. Para saan ang pagpapaganda nya? eh wala nga syang naging boyfriend maliban sa isang lalaki. Pero matagal nya ng kinalimutan yun.

Pagbaba nya pumunta na syang kusina at ininit nya nalang ang pagkaing niluto ni manang josie sa kanya, maaga itong namamalengke kaya minsan naabutan nya nalang na luto na ang pagkain at iinitin nya nalang kung gusto nya.

Paghawak nya sa pot holder parang flash ng camera na biglang sumagi sa isip nya ang isang maikling bahagi ng nakaraan nya makalipas ang isang taon.

Hanggang ngayon inaamin nya naman sa sarili nyang pag naaalala nya ang nakaraan nya ay hindi nya maiwasang masaktan, pero pinipilit nya nalang kalimutan.

Habang kumakain nag-ring ang cellphone nya.

Scarlet calling ..

Ang kapatid pala nya ang tumatawag, kaya sinagot nya.

"Hello?" panimula nya

"Ate you have to come here as soon as possible" umiiyak na sabi ng kapatid nya sa kabilang linya.

kinabahan naman si Stacy kahit di pa nya alam kung bakit.

**

SEIRA MEDICAL HOSPITAL

Mabilis na pumasok si Stacy sa kwarto kung san daw naka-confine ang daddy nila, naabutan nyang natutulog ito at ang nagbabantay ay ang kapatid nyang si Scarlet.

"Kamusta si daddy?" nag-aalalang sabi nya at tumayo naman si Scarlet para yumakap sa kanya.

"Ok na sya ate, inatake lang sya sa sobrang stress at over fatigue lang daw. Pero kailangan daw nyang magpahinga" sabi naman nito.

His Only , Her One (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now