-5.2-

234 7 2
                                    

 5.2 posted!

Comment | Vote | Follow

-------------------------------

Chapter 5.2

‘hmmn amoy sunog’ naalimpungatan sya sa amoy na yun.

Kung ano man yung niluluto nya, sunog na.

-_-

O_O

Napadilat sya ng malaki. ‘Sunog? Waaa yung niluluto ko.’

Ang bilis nyang tumakbo sa kalan kung saan nakasalang yung isdang piniprito nya. Sobrang aga nya kasing gumising para ipagluto si Travis. Nakatulugan naman nya!

Kinuha nya ang sunog na sunog na isda at pinatay ang apoy. ‘tsk nakakainis naming isda to oh -3- ayaw makisama’

Hinugasan nya ang kawali at tinimplahan ulit ang isda. Buti nalang nalinisan na yung isda na nasa ref kaya di na nya kailangang linisan. ‘ano ba naman kasing ref to walang kalaman-laman’ bulong nya. Tanging isda lang kasi ang andun. At puro tubig.

Narinig naman nyang sumara na ang pinto ni Travis at may mga yabag na pababang hagdan. Ang bilis nyang tinapon sa trash bin ang isda at isinalang nya ang kawali. Sakto naming ilalagay nya na yung bagong isda sa kawali ng dumating sa kusina si Travis. Nakabihis na ulit ito at handa ng pumasok sa trabaho.

“oh gising ka na pala ^___^ hehe magkape ka muna magluluto palang ako. At syanga pala hihingi sana ako ng pang-grocery ah wala ng laman yung ref eh”

“nagsayang ka nanaman ng pagkain” sabi nito at kumuha lang ng tubig sa ref.

Kitang kita pala yung isdang tinapon nya sa basurahan. At amoy na amoy sa buong kabahayan ang sunog na amoy =_______=

“aalis na ako” sabi nito at kinuha ang coat nya.

“teka? Di ka ba muna kakain?”  tanong nya dito.

“may meeting kasi ako ng 8am kaya wala na akong time mag-breakfast” at lumabas na ito ng kusina.

“ganun ba? Tsk sayang naman tong niluto ko” sabay tingin nya sa isda na nasa kawali. Pinatay nya ang apoy at inispada espada kunyari yung isda ng spatula. ‘tsk bahala ka , kung ayaw mo diwag. nakakainis’ bulong nya at umakyat na din sya sa kwarto nya.

Kinuha nya ang cellphone nya at tinawagan nya si Jake.

*

*

Pagsakay ni Travis sa kotse naalala nya na humihingi pala si Stacy ng pang-grocery kaya naman lumabas ulit sya ng sasakyan para bigyan ito ng pera. Pero wala na ito sa kusina.

‘baka umakyat na’ umakyat naman sya sa taas at binuksan ang pinto. Pero bago pa nya tuluyang mabuksan narinig naman nyang may kausap ito.

“oo Jake ok lang ako, isang taon lang naman eh. Mabawi ko lang ang firm ni daddy babalik na ako dyan”

Sinara nya na ang pinto. Hindi nya na pinakinggan pa ang kasunod. Naiinis sya at nagsisi kung bakit bumalik pa sya dito sa bahay.

Umalis nalang sya, ang aga nasira agad ng araw nya. ‘Jake pala ah’ Habang nag-mamaneho tumunog naman ang cellphone nya. Secretary nya pala. Tumawag lang naman para sabihing na-cancel ang meeting nya.

‘oh great’ sirang sira na talaga ang araw nya.

Dumiretso nalang sya sa isang restau at kumain. Tutal cancel naman ang meeting nya at sobrang aga nya sa office.

His Only , Her One (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now