-4-

227 7 0
                                    

update ~ :)

Comment | Vote | Follow

-------------------------------

Chapter 3.

hindi makapaniwala si Stacy na ngayong araw ay kasal nya na.

sino nga namang makakapagsabi na ang dating naudlot na kasal nila ni Travis ay matutuloy pa.

sya lang yata ang bride na hindi masaya. gustuhin man yang maging masaya ay hindi man lang nya kayang ngumiti.

"ayan tapos na, ang ganda mo talaga. bagay na bagay kayo ng groom" sabi sa kanya ng baklang beautician

ngumiti sya ng mapait. habang nakatingin sya sa itsura nya sa salamin.

simpleng gown lang ang suot nya. dahil madalian lang ang pag-prepara ng kasal. wala ring masyadong invited. mga kaibigan lang nila ang pupunta. sila Migz , Jervis at Jude. sa kaibigan nya si Desiree lang.

nung una hindi ito makapaniwalang ikakasal sya ulit kay Travis. ayaw pa nga sana nitong pumunta pero buti nalang at napilit nya itong um-attend.

baka daw kasi indian-in nya nanaman ang kasal at sya nanaman ang haharap sa simbahan para sabihing nawawala sya.

pero ngayon wala ng atrasan. hindi sya pwedeng hindi sumipot. alang-alang sa daddy nya.

pagdating nya sa simbahan andun na nga sila Travis. maliit na simbahan lang ang pagdadausan. walang wala sa pinangarap nyang kasal.

wala ang parents nya. hindi nya na inimbitahan kasi baka mabigla lang sila. nakapag-desisyon syang wag munang ipaalam.

*

natapos nga ang kasal nila ni Travis.

wala man lang reception. dumiretso agad sila sa bahay nito.

bahay na simula ngayon ay magiging tirahan nya na. kasama yun sa naging kontrata nila ni Travis.

pagkatapos nilang ikasal ay hindi muna sya papasok sa trabaho. lilipat sya sa bahay ni Travis pero hiwalay naman daw sila ng kwarto. isang taon ang usapan nila. mag-didivorce din sila after nun. at gaya ng usapan ipapangalan na sa kanya ang kumpanya.

nilibot nya ang buong kabahayan.

'so ito na ba ang magiging kulungan ko sa loob ng isang taon?' isip isip ni Stacy

nagtaka naman sya kasi parang walang tao. silang dalawa lang ba ang titira sa bahay na to?

"as you see wala tayong maid, so ikaw ang gagawa ng mga gawaing bahay, maglilinis, maglalaba at .. MAGLULUTO!" sabi ni Travis

O_O

nanlaki naman ang mata ni Stacy.

"niloloko mo ba ako? alam mo namang hindi ako marunong magluto diba?" sabi nya dito

"pwes ngayon alamin mo na!" umakyat na ito sa itaas pagkasabi nun

naiwan naman syang tulala. ito ba ang ganti nito sa ginawa nya dati.

napahinga sya ng malalim. umpisa palang ito. pag sumuko sya ibig sabihin talo sya. pero bakit kailangan nyang pagdaanan ang lahat ng to? hindi ba dapat sya ang magalit kay Travis.

umakyat na din sya sa kwarto nya.

napakatahimik at napakalungkot.

inayos nya na ang mga gamit nya.

di nya namalayan gabi na. bumaba naman sya para tignan kung anong ginagawa ni Travis. pero sobrang tahimik ng bahay.

napatingin naman sya papel na nasa lamesa sa sala.

His Only , Her One (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now