-6-

242 5 0
                                    

sorry sa matagal na paghihintay :3

In-Active ng ilang araw dahil na-hospital ang lola ko. salamat sa mga nag-pray! love you all guys.

eto muna ang Update Gift ko :)

Comment | Vote | Follow

----------------

Chapter 6.

madaling madali si Stacy habang nag-aayos sa tapat ng salamin.

*cellphone ring*

“hoy babae! .. asan ka na ba? Grr naiinis na ako” bungad ng bestfriend nyang si Desiree.

“on the way na ako ok? Wag ka ng tumawag lalo akong mali-late” in-end call nya na at nag-ayos ulit.

Sinabi nyang on the way na sya pero ang totoo nasa bahay pa sya. Pag sinabi nya kasing hindi pa sya nakakaalis lalo syang sesermunan nito. Ewan ba dun sa babaeng yun simula ng grumaduate sila sa college naging masungit na ito. Samantalang dati pasensyosa ito at hindi mabilis magalit.

Nagka-palit yata sila ng ugali nung college.

May usapan kasi silang magkikita ngayon. Pagkatapos kasi ng kasal nila ni Travis ay umalis agad si Desiree papuntang France. Sikat na fashion designer na ito kaya kung saan saan napapadpad. Ngayon nalang ulit sila nagkaroon ng time mag-bonding. At late pa sya!

Pagkatapos nya, kinuha nya ang bag nya at umalis agad ng bahay. Tutal kanina pa naka-alis ng bahay si Travis.

*

-Coffee Shop-

Hingal na umupo si Stacy. Ang bestfriend naman nya naka-cross arms na at halatang naiinis na.

“hehe sorry na bhessy, nalate lang naman ako ng ilang minuto ^__^”

 

“oo nga , 30 minutes ka lang namang late for god’s sake Stacy Nichole Areniego!” masungit na sabi nito

“eto naman ang init agad ng ulo mo. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita susungitan mo pa ako?” pa-cute na sabi nya dito

“di mo ako madadaan dyan sa pag-papacute mo babae. Tsk , nag-asawa ka lang nali-late ka na. kung ganyan lang din mangyayari sakin di na talaga ako mag-aasawa” sabi nito sabay inom ng frappe

“tss umiral nanaman ang pagka-man hater mo!” asar nya dito

Nilakihan naman sya nito ng mata “how many times do I have to tell you I’m not a man hater ok? It’s just that I don’t like men. Tss does bunch of idiots na walang alam kundi ang manakit ng babae na pag nakuha na nila ay iiwan na. I can live without them” tingin nito sa mga lalaking bagong pasok lang sa Coffee Shop at nagpa-cute sa kanila.

His Only , Her One (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now