Chapter 7

100 9 6
                                    

Chapter 7

Sinabi na ng katulong na may bisita siya sa ibaba. At sa sasakyang nakita niya sa labas ng gate ng mansion ay alam niyang si Kiev ang nasa sa ibaba. Bihirang-bihira siyang manigarilyo pero kailangan niya ngayon iyon. Na tense siya.

Muli niyang tiningnan ang sarili sa harap ng malaking salamin kung okay na ang ayos niya. Personally ay hindi siya interesado kay Kiev Gregor. Business , yes just only a business.

Straight cut ang suot niyang damit na bahagya lang umabot sa tuhod. May tailored collar ito para sa formal effect. Navy blue ang kwelyo at may malalaking butones sa harap na bukasan. Naka stockings at high heels ay lumabas siya at bumaba.

Nakatayo ito at naka pasok sa mga bulsa ang dalawang kamay. Palakad-lakad ng marahan at nang tumingala ito ay nagtama ang mga paningin nila. Sa anyo nito ay galit. At sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya nang malinaw ang mukha ni Kiev Gregor.

Ang uri ng mukha na iibigin ng kahit na sinong babae. At gustong panaginipan. At the same time, hard. It was also the kind of face woman and men alike fear. Nakita na niyang lahat ang magagandang uri ng lalaki, dito man o sa ibang bansa. Mga mukhang tila nililok ng bihasang iskultor, pero bakit gusto niyang isiping they would pale in comparison to this man?

Certainly, hindi si Kiev ang Chris Evans type. But literally Kiev had taken her breath away.

Haggard ang anyo nito na halatang galing sa mahabang oras na byahe. May ilang hibla ng buhok na humiwalay pabalik.

Nasa ibaba na siya nang humugot siya ng malalim na paghinga. Hindi kailangang ma intimidate siya ng galit nitong anyo. Wala pang lalaking nakapagparamdam sa kanya nang ganon.

"Good afternoon, Mr. Gregor," pormal niyang bati. Ikinakaila ng seryosong mukha at poise ang bahagyang panginginig ng mga tuhod.

"Ano ang ibig sabihin ng bangko sa ginawa mong pagpapa hold ng loan ko,Miss Santillan?" pagalit nitong sinabi.

"Sa library tayo mag-usap, Mr. Gregor. Please follow me," napa tiuna siyang lumakad patungo Sa library. Binuksan niya ang malaking pintong narra na may wooden carve. Sinundan siya ni Kiev .

"Please sit down." Isinara niya ang pinto.

"Gusto kong malaman ang dahilan ng ginawa mo Sherika Mariz Atkinson Santillan?" tinawag siya nito sa buo niyang pangalan; at ulit nito na hindi nag bago ang tono at sa tingin ni Sherika ay wala itong balak maupo.

"Ipaliwanag ko sa iyo kung maupo ka, Mr. Gregor," mahinahon niyang sabi. Tila isang leon na lalapain siya. Umikot siya sa likod ng mesa at umupo sa high backed swivel chair. Matalim ang mga matang alanganing umupo si Kiev sa sofa.

"Don't beat around the bash, Miss Santillan. Mahaba ang biniyahe ko mula Pampanga hanggang dito at may iniwan akong trabaho. Ano ang dahilan at ipina hold mo ang loan ko for no apparent reason?" wika nito sa kontralodong tinig pero nakikita niya ang paggalaw ng muscles nito sa mukha.

"The bank has every reason to approved and reject all loans, Mr. Gregor."

"Don't give me a bullshit! Naaprubahan na ang loan ko. Transmittal na lang nito ang hinihintay ko na dapat ay ngayong araw na ito." Tumayo ito at lumipat sa mesa niya na naka tukod ang dalawang braso.

Nagyuko ng ulo si Sherika at binuksan ang drawer. Kinuha mula roon ang cigarette case at kumuha ng sigarilyo. Dumukot ng lighter si Kiev at sinindihan ito at inilapit sa kanya. Gusto niyang mangiti. Still gentleman kahit nag aapoy ang mga mata sa galit.

"Do you really smoke?" wika nito na medyo binabaan ang tinig.

"Paminsan - minsan." Hindi niya sasabihing dalawang taon na ang nakalipas nang huli siyang humawak ng sigarilyo.

FIRE ON A COLD HEARTED HEARTWhere stories live. Discover now